Chapter 17 ⚠️

5.3K 180 13
                                    


Thea Sebastian

Three weeks later.

"Happy monthsary, Thea."saad ni Ellyse pagbukas ko ng pintuan ng banyo, katatapos ko lang maligo.

May dala-dala siyang sandwich na may nakatusok na maliit na kandila.

"Happy monthsary, Ellyse."

Isang buwan na kaming magkasintahan at isang buwan na rin kami rito sa province.

"Sabay tayong mag wish at sabay natin i-blow tong candle."

"Sure."saad ko saka ako pumikit.

'Lord kahit si Ellyse lang sapat na sa akin.'

Nagdilat ako ng mga mata.

Nagwish din siya dahil nakapikit pa rin ito. Pagdilat niya ng mga mata ngumiti siya at sabay naming hinihipan ang kandila.

"Thea anong hiniling mo?"

"Ikaw....ikaw ang hiniling ko sa may kapal."

Siniil ko siya ng halik saka ko kinuha ang sandwich na hawak niya. Inalis ko ang kandila saka ako kumagat.

"Mhm sarap, ah."sabi ko.

"Talaga? Ako rin pakagat."

Sinubuan ko siya. Siya mismo ang gumawa nitong sandwich. Dinampian ko ulit siya ng halik sa labi niya kahit ngumunguya pa siya.

"Maligo ka na tapos inom tayo ng wine. Nagpabili ako kay Tita Grace kanina."

"Sure."

Hindi ko akalain na magiging ganito kami sa isa't-isa. Masyado kaming komportable na magkasama at para sa akin bagay na bagay kaming dalawa. Napangiti tuloy ako sa iniisip ko.

Bago siya maligo nagsabay muna kaming magtoothbrush. Gustong-gusto ko ang mga nangyayari ngayon. Inaalagaan niya akong mabuti at ganon din ako sa kanya habang magkasama kami.

Pagkatapos niyang maligo kinuha ko yong pinalamig kong wine, nasa loob ito ng ice box. Nandito kami sa upuan na gawa sa kawayan.

"Magcelebrate tayo, Ellyse. Para sa pagmamahalan nating dalawa."

Binuksan ko ang wine. Medyo mataas ang alcohol content nito.

"Oh! Ang tapang nito, Thea." Naamoy agad niya, saka niya tiningnan ang bote ng wine.

"Hindi mo ba kaya?"

"Kaya ko 'to."sagot niya saka siya uminom.

Ako pailan-ilan lang ang inom ko. Siya medyo nakakarami na.

"Thank you, love na love kita. Tandaan mo yan, ha?"

"Ganon din ako."sagot ko.

Kahit kaming dalawa lang, masaya kaming nagtatawanan. At sa bawat pagtawa namin ay napapayakap siya sa akin dahil medyo naparami na siya ng inom.

"Oh wait! May ipapakita ako sayo Thea. Dinala ko 'to kaso hindi ko naisusuot. Binili ko pa 'to nong nasa Manila tayo."

Tumayo siya at may hinalungkat siya sa bag niya.

"...bagay ba sa akin 'to?"

Napangiti ako. Isang red sexy night dress.

"Isukat mo."sabi ko.

Tumalikod siya at hinubad ang maluwag na tshirt na suot niya. Nakapanty na lang siya saka niya isinuot ang lingerie. Pagharap niya kulang na lang malaglag ang panga ko.

Ang sexy naman talaga niya!

Nakahubad man siya o nakadamit naglalaway talaga ako sa kanya.

"Mas bagay mo yan kung uupo ka rito sa lap ko."

Perfect Charm (Runaway Bride) GXG ✔Where stories live. Discover now