Chapter 24 ⚠️

4.4K 161 4
                                    


Thea Sebastian

Pagdating ng six AM, ginising ko na si Ellyse. Tapos na ako maligo at magbihis.

"Gumising ka na snow white...."pinaghahalikan ko ang pisngi niya at labi niya. Mukhang nagulat ko siya.

"Mmm...."nag-inat siya sabay yakap sa akin. Mukhang ayaw pa niyang bumangon.

Hubo't hubad siya sa ilalim ng kumot. Kaya ata hindi ako nakatulog ng matagal dahil paminsan minsan sinisilip ko ang hubad niyang katawan.

"Nasan ang seven dwarfs?"pabulong na tanong niya.

Napangiti tuloy ako. "Narinig mo pala na tinawag kitang snow white?"

"Yeah, bakit naman ako naging snow white, hmm?"

Pinisil niya ang tagiliran ko, saka niya idinikit ang labi niya sa pisngi ko, at pinaghahalikan ako sa parteng iyon.

"Dahil ikaw ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa, your lips are red as blood and your skin is white as snow. Dapat pala nagdala ako ng apple."

Natatawa siya habang nakasubsob sa pisngi ko.

"Ang aga mo namang mangbola Thea, kaya ata namumula ang labi ko kasi pinanggigilan mo kagabi. Hindi ba?"

"Hindi ko maiwasan panggigilan dahil napakasarap niyan. Pero parang mas sabik ka sa labi ko kagabi, ang sarap mong humalik, eh. Hindi ba?"

Napangiti rin siya.

"Na-miss kasi kita. Ang tagal kitang hindi nakasama. Sabik ako sayo..."

"Talaga? Samantalang dati, hindi mo ako pinapansin ngayon in love ka na sa akin?"

Tumango siya. Hindi niya maitago ang mga ngiti niya sa akin.

"Lagi mo kasi akong pinagseselos. Hmp!"

"Ahh so nagseselos ka pala? Kanino kay Kalie?"

Bumalikwas siya, patalikod sa akin kaya nagawa kong sumubsob sa batok niya.

"Kanino pa ba? Hindi mo ako tinigilan hanggat hindi ako na-i-in love sayo, tama ba ako?"

Pinaghahalikan ko ang leeg niya, pati pisngi niya. Gigil na gigil ako sa kanya. Ang sarap niya, miss na miss ko talaga siya.

"Yep, tama nga ang hula mo dahil type na type kita. Ang tanong nagsisisi ka ba na na-in love ka sa isang kagaya ko?"

Hinawakan ko ang balikat niya para iharap siya sa akin.

"No! Hindi ko pagsisisihan ang ma-in-love sayo. Kaso sakit naman ako sa ulo mo."

"Hindi sumasakit ang ulo ko sayo, Ellyse. Alam mo ba na very special ang love story natin, dahil may isang rich at may isang poor na nagmamahalan."

"Thea, hindi naman ako rich. Parents ko lang, pero gusto kong yumaman someday tapos kapag nahigitan ko yong yaman ng pamilya ko, sila na ang susunod sa akin, di ba? Ang ganda ng plan ko?"

Pareho kaming natatawa habang magkadikit ang mga noo namin.

"Kapag super rich ka na. Maaalala mo pa ba ako?"

"Of course! Dalawa tayong yayaman, tapos magkakatuluyan tayo sa bandang huli. Ayaw mo?"

"Gusto ko..."bulong ko sa kanya.

Ngayon ko lang narinig na banggitin niya ang tungkol sa bagay na iyon, at masaya ako na naiisip na niyang magkakatuluyan kami. Kaya paano ko ba hindi mamahalin ang babaeng ito kung nakikita na rin niya ang future na magkasama kaming dalawa?

Nanatiling magkatapat ang mga mukha namin at magkatitig kami habang nakahiga dito sa kama. Inilapit ulit niya ang mga labi niya sa mga labi ko kaya may pagkakataon na naman akong halikan siya.

Perfect Charm (Runaway Bride) GXG ✔Where stories live. Discover now