Chapter 40

2.8K 147 7
                                    

Ellyse Villareal

Nakakapagtaka, walang calls or messages si Lance. Kapag may mga surprises yon, tatawag siya kapag alam niyang natanggap ko na. Baka busy lang siya.

Ibinaba ko na ang phone ko at umupo dito sa gilid ng kama. Sakto naman nagising si Thea.

"Ellyse sino yong kumatok kanina?"

"Ha? Ah si Risi. Nag-i-invite siya para sa breakfast."

"Ganon ba. Babangon na ako, at maliligo muna."

Bumangon na nga siya habang nakahubo't hubat. Ngayon ko lang napagmasda ulit ang kabuuan niya. Napaka-hot pa rin niyang tingnan kahit na nagkaroon siya ng mga peklat sa katawan.

Habang naliligo siya nagbihis na rin ako. Nagsuot lang ako ng white na blouse at white maong shorts.

After niyang maligo nagbihis na rin siya.

Naalala ko may sasabihin pala ako sa kanya.

"Thea..."

"Yes?"

Tumabi siya sa akin dito sa gilid ng kama.

"This coming week babalik ako ng America."

Napansin ko agad na nalungkot ang mukha niya.

"....ohh please huwag kang malungkot. Babalik ako rito, I promise. May mga kailangan lang akong asikasuhin doon."

"Hanggang kailan ka roon?"

"Mga two weeks, pinakamatagal na ang one month. Kailangan kong mag file ng formal resignation sa trabaho ko, and then kukunin ko yong ibang mahahalaga na gamit ko roon."

Tumango naman siya.

"....mangako ka na hihintayin mo ako."

"Pangako, hihintayin kita, Ellyse."

Binigyan niya ako ng isang mainit na halik sa balikat ko. Pagkalipas ng isang oras naghanda na rin kami para sa breakfast.

Napakagaan ng pakiramdam ko ngayon. Isang dahilan siguro ay yong pagiging malapit namin ni Thea sa isa't-isa.

...

NANDITO kami sa tabi ng pool katatapos namin mag breakfast. Nakaupo kaming tatlo  habang nagku-kwentuhan. Magkatabi kami ni Risi,  nasa tapat naman namin si Thea.

"Naku sis ang sarap nung cake kanina."

Palihim kong pinisil ang legs ni Risi. Loka talaga ito! Di mapigil ang bibig. Alam niyang bigay iyon ni Lance.

Napatingin naman si Thea sa amin.

"......I mean,  yong cake na order ko kagabi, bale dumating kanina lang tapos kinain namin. Tulog pa kasi kayo kaya hindi ko na kayo napatikim, di bale mag order ulit ako para sa inyong dalawa."

Tumango-tango lang ako.

"Ang masarap kainin ngayon ay halo-halo o kaya mais con yelo."saad ni Thea.

"Agree ako diyan! Mamaya magpapagawa ako ng halo-halo."sagot naman ni Risi. Nakikita ko na magaan din ang loob ng kaibigan ko dito kay Thea.

Pinisil ko yong bilbil ni Risi sa tagiliran niya.

".....ihhhh sis naman! Don't touch my belly. Virgin pa yan."

Natawa tuloy ako. Napatingin ako kay Thea, nakangiti rin siya.

Ang laki ng itinaba ni Risi. Samantalang dati mas sexy pa ito sa akin noon. Sabi niya ang dahilan ng pagtaba niya ay nung ipagpalit siya ng boyfriend niya sa ibang babae. Iba naman ang nangyari sakin noon, nawalan ako ng ganang kumain nang mabalitaan kong wala na si Thea. Kaya siguro na-maintain ko ang figure ko hanggang ngayon, dahil hindi ako masyadong kumakain.

Perfect Charm (Runaway Bride) GXG ✔Where stories live. Discover now