Chapter 19

3.1K 165 11
                                    

Ellyse Villareal

Habang natutulog si Thea, gumagawa ako ng sulat at inipit ito sa mahahalagang dokumento niya. Tumabi ulit ako sa kanya para dampihan siya ng halik sa pisngi niya. Kinuha ko yong cellphone ko at nagpicture ako habang yakap siya. Masuyo ko ring hinaplos ang buhok niya at doon siya nagising at hinila niya ako kaya napadikit ako sa kanya.

"Ang sarap mo Ellyse, ang hot mo..."

Natatawa ako habang yakap niya ako, nananaginip ata siya. Sabagay lagi naman niya akong pinapaligaya. Hinalikan ko ulit ang pisngi niya.

"...Mmm anong oras na?"

"Seven AM."sagot ko.

"Magkulong muna tayo dito sa room at maghoneymoon tayo."

Ewan, pero naexcite ako sa sinabi niya.

"Kung anong gusto mo, pagbibigyan kita."

Sumisiksik ako sa katawan niya kasi ang init niya. Nag-spend pa kami ng ilang oras na magkasama rito sa loob ng room. Naglambingan, naghalikan at kiniliti niya ako ng kiniliti. Halos mapahiyaw ako sa sobrang tawa!

Pinanggigigilan ko rin siya at niyakap ng mahigpit. Gumaganti ako sa mga halik niya, umuupo rin ako sa puson niya saka ako yuyuko para halikan ulit siya.

Ganyan kami kagulo dito sa ibabaw ng kama. Ang sarap ng mga yakap niya. Hanggang sa natuloy sa make love ang pag-aasaran naming dalawa. At hindi niya ako binigo, nasatisfied niya ako sa ginawa niyang pagpapaligaya sa akin.

Pagdating ng 9AM nagprepare na kami ng breakfast. Bread, bacon at coffee. Kahit magkatitig lang kami pareho na kaming napapangiti. Ganon kami ka-in love sa isa't-isa. Ibang connection ang nasa pagitan namin. Masyadong malakas iyon na kahit hindi kami magsalita, nakakarating ang mensahe namin sa isa't-isa. Alam ko rin kapag mag-aaya siya ng sex. Nababasa ko ang mga mata niya pagdating sa ganon.

Hay Thea...kung pwede lang talaga tayo na lang habang buhay. Gugustuhin ko na ikaw ang makasama ko hanggang huli.

11:00AM

Nagsimula ang opertion ng store. Nandito ako sa kaha. Si Thea nasa taas pa pero mamaya lang bababa na yon dito.

Ayaw niya akong magtrabaho, pero ayoko rin namang magkulong sa kwarto. Mas gusto ko yong nakikita ko siya at nakakasama.

"Ellyse, masaya ka ata nakangiti ka palagi."si Tam.

"Ahh, Oo. Walang dahilan para malungkot ako."

"Aysus in love talaga yan!"

Natatawa ako nong tumalikod siya at pumasok ng kusina.

Napakaraming customers kahit sa ganitong oras pa lang.

Napansin kong may papalapit na customer dito sa counter kaya hinanda ko na ang sarili ko.

"Yes, ano pong order--."

Natigilan ako at napalunok. Yong kaba na nararamdaman ko ay kakaiba. Takot ang nararamdaman ko!

"Sumama kayo Ma'am Ellyse ng maayos para walang masaktan dito."

Para akong nawalan ng lakas sa narinig ko.
Tama nga ako sa kutob ko. Tauhan ito ni Dad. May tatlo pa na nakasunod sa taong ito, malalaki silang lalake na may mga nakasukbit na baril sa bewang nila.

Si Thea...

"I'll go with you, pero bigyan niyo ako ng sampung minuto para magpaalam sa kumupkop sa akin, please? Hindi ako tatakas, hayaan niyo lang ako na kausapin siya. Sasama ako sa inyo..."

"Limang minuto lang. Hoy Ikaw! Samahan mo si Ma'am Ellyse." utos ng pinaka-leader nila.

Nakita ako ni Tam at may pagtataka ang mga tingin niya, lumabas din si Yesa ng kusina at halata ang pagkagulat sa mukha niya. Pinagtitinginan din kami ng mga customers.

Perfect Charm (Runaway Bride) GXG ✔Where stories live. Discover now