Chapter 43

3.6K 161 8
                                    


Ellyse Villareal

Pagdating dito sa tapat ng bahay ng mga magulang ko andito na rin si Attorney,  naghihintay siya sakin.

"Dala mo ba lahat ng documents, Attorney?"

"Yes, Ellyse nakahanda na lahat. Siya nga pala, nakalaya na ang Kuya Leon mo. Nakipag-areglo sa kanya ang pamilya ng biktima sa malaking halaga."

"Expected ko na yan, atleast naranasan niya ang makulong kagaya ng ginawa nila sakin noon sa bahay na ito."

Dati takot na takot ako na makita ang pamilya ko dahil once na mahuli nila ako katapusan na ng kalayaan ko, pero ngayon wala na akong takot dahil natuto na akong lumaban. Pagpasok ng bahay ay dumiretso kami sa library inaasahan nila ang pagdating ko ngayon.

Tama nga si Attorney, andito na si Kuya Leon at ang dalawa ko pang kapatid, ganon din si Mom at Dad kasama ang kanilang lawyer.

"Welcome back sa aming prinsesa. Happy reunion!"si Kuya Mico.

Mukhang masaya siya. Malaki kasi ang shares niya sa company dahil nakuha niya pati yong akin. Umupo kami at hinarap sila.

"Good morning, ako si Attorney Santiago. Nandito kami ng client ko na si Miss Ellyse Villareal para sabihin sa inyo ang ilang mahahalagang bagay."

Inilabas ni Attorney ang mga documents.

"....eto ang resulta ng DNA test na nakuha sa patalim na ginamit ni Mr. Leon Villareal sa pagtatangka sa buhay ni Miss
Thea Sebastian. Ang patalim na ito ay pagmamay-ari ni Mr. Ruperto Villareal na inyong ama, di ho ba? At isa pa, buhay si Ms. Thea Sebastian, anytime pwede siyang mag file ng kaso laban sa inyo,  Mr. Ruperto at Mr. Leon."

Halata ang pagkagulat nila. Si Dad at Kuya Leon ay walang idea na buhay si Thea, si Ross at Kuya Mico lang ang nakaka-alam,  hinala ko magkasabwat ang dalawang iyan.

Hindi rin nila alam na ipinahanap ko kay Manang ang patalim noong minsan pumunta ako rito. Mukhang hindi nilinis nang mabuti ni Kuya Leon ang patalim pagkatapos niyang gamitin kay Thea.

"....nandito rin ang mga documents na nagpapatunay na nagpagamot sa isang Psychiatrist ng ilang taon si Miss Ellyse Villareal, dahil sa trauma na sinapit niya nung ikulong niyo siya sa bahay na ito. At ayon sa batas RA 9262 Violation against Women and Children, illegal detention ang ginawa niyo dahil ikinulong niyo siya against her will, remember hindi na siya minor at that time."

"Anong gusto niyong mangyari ngayon?"seryosong tanong ni Kuya Leon.

Ako na ang nagsalita.

"Gusto kong magbayad kayo ng isang daang milyon sa amin ni Thea, bilang danyos para hindi na namin iakyat sa korte ang mga kahayupan ninyo."

Natawa si Kuya Mico. "Sa tingin mo ba mananalo ka? Napakatagal na niyan. Mahihirapan kang patunayan sa korte ang mga akusasyon mo at pwede naming baliktarin lahat nang ibinibintang mo kay Kuya Leon at kay Dad."

"Ikaw na ba ang lawyer nila ngayon, Kuya Mico? Kaya mong baliktarin lahat? Siya nga pala recorded ang pag-uusap natin dito. Okay sige, hindi ko na paabutin pa sa korte pero ipaparating ko sa lahat ng media ang mga kahayupan ninyo."

"Mico, Ellyse, tama na!"si Mom na ang namagitan sa bangayan namin ni Kuya Mico.

"......Ellyse anak, hindi mo kailangan paabutin sa korte ang mga bagay na iyan. Do you remember nung nag aaral ka pa,  lahat ng hilingin mo sa amin ng daddy mo ay ibinibigay namin sa iyo. Hindi kami nagkulang sayo noon. Kapag humiling ka ng kotse ay agad na ibinibigay sayo ng daddy mo at kung anu-ano pang mga bagay."

"What was the point of this reminiscence,  Mom? Trying to point out that dad could never  do wrong? That he could run my life as he pleases? Por que ibinigay niyo sa akin noon ang mga hiling ko ay may karapatan na kayong pang himasukan ang buhay ko? We're talking about rights, iyon ang ipinagkait niyo sa akin, at binalak pa ninyong patayin ang taong mahal ko."

Perfect Charm (Runaway Bride) GXG ✔Where stories live. Discover now