Chapter 21

3.3K 172 8
                                    


Thea Sebastian

"Seryoso ka ba Thea? Nakilala mo na yong kapatid ni Ellyse?"si Tam. Nandito kami ngayon sa store.

"Oo, yong pangalawang kapatid niya si Mico Villareal. Ito oh, binigyan ako ng access card. Pwede ako pumunta sa resort anytime."

Nanlaki ang mga mata niya habang hawak ang access card.

"Hanep! Iba rin talaga ang dating mo, ah. Huwag mo sabihin sa akin na aakitin mo yong Kuya ni Ellyse?"

Seryoso akong nakatingin sa kanya.

"Kailangan kong mapalapit sa kanya para makita ko si Ellyse. Siya lang ang nakikita kong paraan."

Ang mga titig niya ay parang hindi makapaniwala. Kahit ako hindi makapaniwala sa mga naiisip kong gawin. Pero hindi naman ako manhid, alam ko na-catch ko ang attention ni Mico Villareal. Hindi niya ako papapasukin ng resort at bibigyan ng access card kung hindi siya interesado sa akin.

Hindi na ako nagmukmok kagaya nong mga nakaraang linggo. Bago magbukas ang store dumadaan ako ng gym nagpapaganda ako ng katawan. Hindi naman pangit ang katawan ko pero para mapansin ni Mico Villareal kailangan kong pagandahin lalo ang katawan ko.

Bumili rin ako ng ilang set ng two piece bikini at pagdating ng Saturday night nagpunta ako rito sa El Villareal Resort.
Suot ang blue na two piece bikini umupo ako dito sa lounging chair. Binigyan din ako ng staff ng sarili kong kwarto dahil VIP card pala ang ibinigay sa akin ni Mico. Hindi ako makapaniwala.

"You're here."

Napatingala ako dahil sa baritonong boses sa tabi ko. Nandito na pala siya, naka boxer shorts at kitang kita ang mga abs niya. Kung straight lang siguro ako baka sinamba ko na ang mga abs na yan. He's gorgeous man. Pang matinee idol ang kapatid ni Ellyse at matangkad din ito. Pero ang gusto ko ay ang nag iisang anak na babae ng Villareal.

"Hi Mico, thank you sa VIP card na ibinigay mo sa akin. Hindi ko na tuloy kailangan humanap ng affordable resort."

Umupo siya dito sa katabing lounging chair. Nakaharap siya sa akin.

"Mas bagay mo magstay rito Thea, anything you want, drinks and foods ay free para sayo, ipakita mo lang yang card."

"Wow! Hindi ka ba malulugi sa ginagawa mo?"

Napangiti siya at kitang kita ang kaguapuhan ng lalakeng ito.

"No. Ang mga bisitang magandang kagaya mo ay hindi pinagbabayad. Okay? So make yourself comfortable magpapahanda lang ako ng food and drinks para sa ating dalawa."

Umalis siya at nagtungo sa may restaurant ng resort. Tumayo naman ako para magbabad sa pool. Ilang sandali pa niyaya na niya akong kumain. Magkaharap kami dito sa table.

"Thea, anong pinagkakaabalahan mo ngayon?"tanong niya habang hinihiwa ang grilled beef sa plato niya.

"Isa akong small time business owner, nagse-serve kami ng unli chicken wings na may ibat-ibang flavor."

Patango tango siya habang ngumunguya.

"Ohh interesting. Minsan baka pwedeng matikman ang chicken wings mo?"

Ang hirap makipag eye to eye contact sa kanya, napakalagkit lagi ng mga tingin niya.

"Sure, minsan dalhan kita rito kaso nga lang baka hindi na kapareho ng quality kapag naibyahe ng matagal. Masarap kasi ang chicken wings kapag bagong luto."

"Walang problema sa akin, chicken wings pa rin iyon. Maiba naman tayo, hindi mo ba dadalhin dito yong boyfriend mo?"

Napangiti ako.

Perfect Charm (Runaway Bride) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon