Chapter 25

3.3K 150 8
                                    


Ellyse Villareal

"Dad pinapatawag niyo raw po ako?"

Nandito siya sa library, kasama si Mom at mga kapatid ko. Mukhang may pinaguusapan silang importante. Itinuro ni Dad ang bakanteng upuan, kaya umupo ako.

Medyo nakaka-takot humarap sa kanilang lahat. Seryoso ang mga mukha nila habang nakatingin sa akin.

"I have planned for your marriage, Ellyse."pagsisimula ni dad.

Eto na naman kami. Nakakasawa na ang ganitong eksena.

"......nakausap ko ang mga magulang ni Devin nu'ng pumunta kami ng Mom mo sa China. They are willing na ituloy ang naudlot niyong kasal na dalawa ni Devin. You will marry that guy sa ayaw at sa gusto mo."

Nanlamig na naman ang buong katawan ko sa narinig ko. Hindi na ba ito matatapos? Hanggat hindi nila naisasakatuparan ang arranged-marriage na plano nila para sa akin ay hindi sila titigil.

Pero hindi ako papayag. Ngayon pa na may mahal na ako-----si Thea.

"No!" mariing pagsalungat ko. "I can't allow you to do this to me again, dad. I will only marry with someone of my choice, not yours! At wala akong balak magpakasal sa kahit sinong lalake. Kahit ilang beses mong ipilit si Devin ay hindi ako susunod sa gusto mo!"

Isang matalim na tingin ang ibinigay ni dad sa akin, ramdam ko ang galit sa mga mata niya. Ganito na naman ang eksena noong unang beses na ipilit niya si Devin sa akin.

"I choose the right man for you. Wala kang magagawa kundi ang sumunod sa gusto ko, Ellyse. I'm your father, at wala kang karapatang suwayin ako."

Ni minsan hindi siya nagpaka-ama sa akin. Ang gusto niya ay siya ang masunod sa lahat. Pati buhay ko gusto niyang panghimasukan.

"I can't believe you're doing this to me, mas mahalaga ba sayo ang kayamanan mo dad kesa sa kaligayahan ng mga anak mo?"

"Shut up! Kung hindi ka lang tumakas sa kasal mo hindi na dapat humantong pa sa ganito. Alam mo bang kapakanan mo lang ang iniisip ko. Ayokong mapunta ka kung kani-kanino lang. Devin is a good man, ibibigay niya lahat ng gusto mo."

Gusto kong matawa sa sinabi ni dad.

"Ibibigay niya ang gusto ko o ang gusto mo dad?"

Nakataas na ang kamay ni dad para sampalin ako pero pinipigilan siya ni Mom.

"Tama na, huwag mong saktan ang anak natin."

Samantalang ang mga kapatid ko ay nakatingin lang sa akin na parang wala silang magawa kundi ang manahimik lang. Palibhasa nagagawa nilang lahat ang gusto nila, samantalang ako wala akong karapatang gawin ang gusto ko.

Hinila ako ni Mom papasok dito sa kwarto ko.

"Mom, bakit naman ganon. Bakit wala kang magawa para sa akin? Gusto kong mabuhay ng normal at makasal sa taong mahal ko. Iyon ang gusto ko."

"Anak hindi pwede ang naiisip mo. Please do your part para sa pamilya natin. Hindi naman masama ang ginagawa ng dad mo. Sundin mo ang iyong ama para sa ikabubuti mo."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Mom. Wala nga atang nakakaintindi sa akin dito. At mismong si Mom ay ganito magsalita sa akin.

"You can't force me to marry that guy hindi ko siya gusto. At anong akala niyo sa buhay ko Mom? Mag-aambag ako para sa ikakayaman niyong lahat? Ganon ba ang gusto niyo?"

Para akong maiiyak dahil sa sama ng loob. Pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil ayokong umiyak sa harapan ni Mom.

"That's not what I meant, ang mga kuya mo ay kagaya mo rin. Wala silang choice kundi ang sumunod sa dad mo. At ano bang mali kay Devin? Most women would welcome him as their husband and you must be thankful."

Perfect Charm (Runaway Bride) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon