Chapter 38

2.7K 136 8
                                    

Thea Sebastian

Akala ko matatapos na ang kahibangan ko sa babaeng ito, pero kahit anong gawin ko, paulit ulit pa ring ipinapaalala ng puso ko na siya ang babae na minahal ko ng sobra.

"Ano ba'ng gusto mo, Ellyse?"

Nananatili ang palad ko sa  malambot na pisngi niya. Damang dama ko ang init nito.

"Ayokong magalit ka sakin Thea."

Kitang kita ko kung gaano kalungkot ang mga mata niya at para ba itong nagsusumamo.

Ano bang magagawa ng puso ko, kahit ata pilitin ko ito na magalit ay para itong may sariling desisyon, lumalambot ito kapag si Ellyse na ang nakikiusap.

"Sige na, hindi na ako galit."

"Prove it to me."

Hinapit ko ang bewang niya gamit ang isang kamay ko at muli kaming nagdikit ganon din ang mga labi namin na para bang sabik na sabik.

Binura ng mga halik na ito ang pagtatampo ko sa kanya.

Dumidiin ang bawat halik ko sa kanya at gumanti siya kaya lalo akong nasabik sa kanya.

Masyado kong napanggigilan ang labi ni Ellyse, naawa tuloy ako sa kanya dahil dumugo ito nang bahagya. Ngayon, masuyo ko na siyang hinahalikan. Hanggang sa bitawan ko ang labi niya at tinitigan ito.

"Sige na, hindi na ako magtatampo sayo. Hindi ko lang kasi maintindihan bakit ka pa nandito."

Wala siyang binigkas na salita. Niyakap niya ako ng mahigpit na para bang humihingi siya ng paglalambing.

Kahit anong pagpipigil ang gawin ko, hindi ko siya magawang tiisin.

"Ellyse.."

"Thea, walang nagbago sa akin. Bigyan mo lang ako ng sapat na panahon para ayusin lahat ng gulo sa buhay ko."

Sa sinabing iyon ni Ellyse tuluyan nang humupa ang nararamdaman kong pagtatampo.

"Sige, okay na tayo. Hintayin mo ako rito kasi papasok ako sa work."

"Huwag ka nang pumasok. Isasama kita sa resort na tinutuluyan ko dahil gusto ng kaibigan kong si Risi na makilala ka."

"Hindi ba nakakahiya?"

"Ofcourse not. Mabait yon, siya ang tumulong sakin pagbalik ko rito sa bansa."

"Sige pero anong oras ba tayo aalis?"

"How about right away?"

Agad-agad pala.

"Sige magpapaalam lang ako kay Yulie na hindi ako papasok ngayon, tutal Friday naman."

"Okay. Stay tayo roon kahit three days."

Tumango ako. Hindi ako tumanggi dahil gusto ko rin talaga siyang makasama.

Tinawagan ko si Yulie. Inis na inis na sa akin ang taong ito dahil kahapon pa ako absent sa trabaho. Nagdahilan nalang ulit ako sa kanya, wala na siyang nagawa kindi payagan akong mag leave.

________________________________________

Ellyse Villareal

Dumating kami rito sa resort at ang kaibigan ko mismo ang sumalubong sa amin ni Thea dito sa may lobby.

"Sis! Buti naman andito ka na."

Ngumiti ako at hinila si Thea para ipakilala.

"Risi, this is Thea, Thea this is Risi kaibigan ko. Family niya ang may-ari ng resort."

Perfect Charm (Runaway Bride) GXG ✔Where stories live. Discover now