Chapter 26

2.8K 145 5
                                    


Ellyse Villareal

Dumating ang Sabado, napapayag ko ang Kuya Leon na sumama ako kay Kuya Mico dito sa resort. Hindi sumama si Ross dahil may lakad daw siya. Pinayagan naman ako ng parents ko.

"Kuya Mico, dadating ba yong bisita mo si Thea?"

Hindi kasi nag-text sa akin si Thea bago ako umalis ng bahay kanina kaya wala akong idea kung matutuloy siya ngayon na pumunta rito.

"Si Thea? Yeah, I think so, Inimbitahan ko siya na pumunta rito so baka mamaya lang nandito na siya."

Natuwa ako sa sinabi niya. Inaasahan ko talaga na pupunta rito ngayon si Thea.

".....mukhang, palagay ang loob mo sa bisita ko. Dati wala kang paki-alam sa mga dinadala kong babae noon."

Hindi ako nakasagot agad. Kung hindi kami magkarelasyon ni Thea, malamang hindi ko siya papansinin kahit bisita pa siya ni Kuya.

"Masarap siyang maging kaibigan Kuya. Nakausap ko siya nu'ng nakaraang nandito siya magaan ang loob ko sa kanya."

Umupo kami rito sa lounge chair na nasa tabi ng pool.

"Yeah she's kind. I like her, kung magugustuhan niya ako handa ko siyang ipaglaban kay dad."

Hindi ko inaasahan na sasabihin niya 'yon, kelan pa siya naging seryoso sa isang babae?

Sabi ko na nga ba hindi ako nagkakamali ng instinct. Nahuhulog na ang Kuya ko kay Thea. Nakaka-asar naman makikiagaw pa sa akin ang Kuya ko.

"Kuya akala ko ba ang mga type mo yong mga liberated na babae? Nakikita ko na hindi ganon si Thea."

"I know. Kaya nga nag-iba ang taste ko dahil sa kanya. Mas gusto ko yong mga tipo niya."

Napapailing ako na naiinis. Hindi ko naman masisisi si Thea kung magustuhan siya, she's witty and charming. Pero anong gagawin ko? Si Kuya Mico lang ang way para makapagkita kami ni Thea, without him wala akong pwedeng alibi para makalabas ng bahay.

"Oh she's here. Hintayin mo ako diyan bunso sasalubungin ko lang siya."

Ako dapat ang sumasalubong sa kasintahan ko, hindi siya. Hindi ko akalain na magiging complicated lahat.

"Oh hi, we meet again." napatingala ako-----si Thea, kasama ang Kuya ko. Ang galing niyang umarte na akala mo hindi kami magkakilala.

"Hello."matipid na sagot ko. Pero ang totoo gusto ko nang tumalon at yakapin siya, halikan siya at maglambing sa kanya.

Napatingin ako kay Kuya Mico. Hindi niya kayang alisin ang tingin niya kay Thea.

I'm jealous! Tigilan mo yan Kuya! Akin lang siya!

"Masarap ang magbabad sa pool ngayon. Thea, join me." si Kuya.

"Sure, pero dapat kasama si Ellyse. Sasamahan ko na siyang magbihis para makaligo tayong tatlo sa pool."

"Mukhang nagkakasundo kayo ni bunso, that's good. She really likes you. Mabait ka raw kasi."

Nagkatinginan kami ni Thea.

"Talaga sinabi niya 'yon? Well, mabait din kasi ang bunso niyo kaya madali ko siyang nakasundo."

Tumingin siya sa akin saka siya ngumiti. Miss na miss ko ang mga ngiti niya.

"Natutuwa naman ako at may kaibigan si Ellyse. Sige na, magbihis muna kayo, hintayin ko kayong dalawa sa pool."

Bago kami magbihis nagpaalam muna ako kay Kuya

"Ahh Kuya, sa room ko na lang magstay si Thea para may ka-kwentuhan ako mamaya after ng swimming. Pwede ba?"

"Why not, basta payag siya."

Perfect Charm (Runaway Bride) GXG ✔Where stories live. Discover now