Chapter 20

3.2K 148 10
                                    


Thea Sebastian

"Hindi ka na naman ba kakain, Thea? Kahit konti lang, sige na. Maawa ka naman sa sarili mo. Hindi na kami mapakali ni Tam habang pinagmamasdan ka na laging tulala." si Yesa.

Tumango ako at nagpahid ako ng luha. Nandito ako sa kusina pero wala akong lakas na kumilos. Dalawang linggo na ang nakakaraan mula nong sapilitang kunin si Ellyse. Wala na akong balita pa sa kanya at malapit na akong masiraan ng bait. Wala rin akong ganang kumain.

"Gusto ko siyang hanapin pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ako makapag isip ng mabuti. Nalulungkot ako."

Lagi na lang tumutulo ang luha ko kapag naaalala ko siya.

Hinahagod ni Yesa ang likod ko habang nakaupo ako.

"Thea, mukhang hindi basta-basta si Ellyse. Tignan mo nga, muntik ka pang mapahamak. Tinutukan ka ng baril nong lalakeng kumuha sa kanya. Paano kung kinalibit niya yon? Eh di patay ka na. Pero hanga din ako kay Ellyse dahil handa siyang saluhin ang bala para hindi ka matamaan."

Wala na akong ginawa kundi ang mag-isip, umiyak.

"Mahal na mahal ko siya. Namimiss ko na siya."

"Kaya nga kumain ka muna, saka tayo mag isip ng plano. Paano mo siya mahahanap kung sarili mo nga pinapabayaan mo. Siguro naman may paraan para makita mo pa rin siya. Ayoko lang mapahamak ka pero sige, hahanap tayo ng paraan para mahanap siya."

Para akong nabuhayan ng loob sa sinabi ni Yesa. Kinuha ko ang pagkain na hinanda niya at kumain ako.

...

"Thea, hindi ko mahanap ang facebook account ni Ellyse, baka wala talaga siyang FB. Pero may nakita ako. Eto oh, hindi ba si Ellyse itong nasa balita noon?"si Tam.

Pinakita niya sa akin ang cellphone niya.

"TULUYAN NA KAYANG MASISIRA ANG SAMAHAN NG DALAWANG HIGANTENG PAMILYA ANG MGA TIONGSON AT VILLAREAL, DAHIL SA HINDI PAGSIPOT SA KASAL NG NAGIISANG ANAK NA BABAE NG MGA VILLAREAL?"

"Eto nga yon, tanda ko na! Devin ang binanggit niya na tinakbuhan niya sa kasal. Devin Tiongson!"

Hinanap niya agad sa facebook ang pangalan na binanggit ko.

"Ayon oh! Devin Tiongson. Eto kaya yon?"

"Patingin nga."

Tiningnan ko mabuti. Maputi, guapo, matangkad may lahing Chinese. Mukhang ito na nga.

"Tam tingnan mo nga kung may friend yang si Devin na ang pangalan ay Leon, o kaya Mico o kaya Ross Villareal. Mga kapatid yan lahat ni Ellyse."

"Eto Mico Villareal. Pogi ah!"

Tiningnan ko ang profile. Walang binatbat si Devin sa Kuya ni Ellyse na si Mico. Napakagandang lalake.

"Anong gagawin natin?"

"May naisip na ako. Kailangan kong mapalapit sa taong yan."

Wala pa akong idea kung paano pero ito lang ang nakikita kong paraan-----si Mico Villareal.

"Tingin mo ba papansinin ka niyan? Ayan oh nakikita mo ba 'tong net worth ng mga Villareal? Sinearch ko sa google, tumataginting na billions ang yaman nila, eh tayo? Mga hampaslupa lang, Thea!"

Tama naman ang sinabi niya, pero susubukan ko kesa naman umiyak lang ako rito. Walang mangyayari sa buhay ko kapag nagmukmok ako.

"Huwag mo na ako i-discourage. Anong gusto mo mamatay na lang ako sa lungkot dito o lalaban ako?"

Hindi agad siya nakapagsalita.

"Lalaban ka syempre pero.....ingat lang ah, mga goons yong dumukot kay Ellyse, nakakatakot. Akala ko katapusan mo na nong tinutukan ka ng baril."

Perfect Charm (Runaway Bride) GXG ✔Where stories live. Discover now