Chapter 2

174 14 6
                                    

Busy sa shop si Mazee dahil medyo maraming orders ng cake. Sinisisgurado nyang pulido at maayos ang lahat. Halos hapon na nang matapos sya.

"Hi. Can I order you?" Masayang bungad sa kanya ni Dreigh.

"Hi Dreigh." Masayang sagot ni Mazee at hinalikan nito si Mazee sa pisngi.

"Anong gusto mo?" Tanong ni Mazee sa kanya.

"Ikaw nga." Sagot  ni Dreigh.

"Sorry, di ako naoorder." Sagot ni Mazee sa kanya. Nakakasabay na kasi si Mazee sa mga biro ni Dreigh.

"Capuccino nalang." Sagot nito. "Napagod ako ng sobra ngayon, kailangan ko ng energizer kaya dito ako pumunta."

"Marami namang coffee shop don sa malapit sa hospital. Dito ka pa talaga pumunta."

"Bakit sabi ko bang kape energizer ko. Di ba pwedeng ikaw?"

"Landi mo! Maupo ka na nga" Natatawang sagot ni Mazee sa kanya at sya na mismo ang gumawa ng kape para may Dreigh.

Matapos gawin ang capuccino ay lumapit na si Mazee kay Dreigh.

"Ito na." Saka nilapag ang order. "Wala ka ng shift?"

"Wala na. Grayed yard ako, napa OT ako."

"Nasobrahan ka naman ng sipag. Baka mapano ka nyan?"

"Ang sarap naman na concerned ka sakin." Natatawang sabi nito.

"Siraulo." Pagtataray ni Mazee.

"Nakatulog naman ako don sa quarters. Kaso nag karoon ng monitoring na pasyente. Pero okay naman na. Pauwi na rin ako."

"Oh edi umuwi ka na."

"Di ko pa nga nauubos kape ko, papalayasin mo na ako agad?"

Bahagyang natawa si Mazee sa kanya.

"Momsie?" Biglang lumapit si Hansen sa kanya. Yong anak ni quinn na inaanak nya.

"Anak mo?" Tanong ni Dreigh.

"Inaanak." Sagot nya kay Dreigh.

"Who is she?" Tanong ni Hansen pero masama ang tingin kay Dreigh. Napansin yon ni Dreigh at natawa.

"May bisita ka ata." Biglang sabi ni Quinn na kakalapit lang. Napansin din ni Dreigh ang cold na tingin nito sa kanya.

"Mag ina talaga kayo." Natatawang sabi ni Mazee. "Si Dreigh. Kaibigan ko. Dreigh, si Quinn bestfriend ko at si Hansen, anak nya."

"Hi, Quinn. Nice meeting you."

"Likewise." Tipid na sagot ni Quinn. Napakamot nalang sa ulo si Dreigh at bumulong. "She doesn't like my presense. Even her daughter is staring at me"

"Siguraduhin mong kaibigan lang." Bulong nito kay Mazee.

"Hay naku, Quinn."

"Momsie.. are you still going to our house? You promised me." Pangungulit ni Hansen.

"Yes, ofcourse. Dba may lakad si mama mo, kaya ako sasama sayo kasi wala si tita seleene."

"Thank you, momsie."

"I was about to invite your momsie though." Pang aasar ni Dreigh kay Hansen.

Masamang tumingin si Hansen kay Dreigh.

"Momsie promised me. And, just to let you know.." tumingin si Hansen kay Mazee muna at lumapit kay Dreigh. Nag sign sya dito na lumapit at pumantay sa kanya kasi may bubulong sya.

"My momsie is taken." Bulong nya kay Dreigh. Natawa naman si Dreigh ang naiisip nya ay gusto ni Hansen si Mazee.

"Such a cute kid. How old are you?"

As I Thought So (Book 2)Where stories live. Discover now