Chapter 19

167 23 2
                                    


Naisipan ni Mazee na pumunta ng hospital para silipin ang mommy nya. Sa kabutihang palad malapit na itong lumabas ng hospital. Nakita ni Mazee ang kanyang ate Merlana. Wala ito nong panahong nagkaproblema sila ng daddy nila. Nang makita sya ay niyakap sya nang kanyang ate at pinasalamatan. Ramdam ni Mazee ang sinsiredad sa sinabi ng kanyang kapatid. Wala syang panunumbat na narinig, kundi pasasalamat sa tulong na ginagawa nya. Mas matanda sa kanya ng tatlong taon ang kanyang ate Merlana. Bukod don, meron pa silang isa pang ate na nasa isang municipality sa provinsya nila. Si Mazee ang nagbigay ng negosyo sa ate nyang yon at si Merlana naman ang tumutulong mamahala sa mga vans. Pero, sa kasawiang palad wala na ang mga vans na pinaparentahan nila.

Natira nalang yong grocery store na binigay ni Mazee.

"Sorry, Mazee nasayang namin mga binigay mo." sabi ni Melana.

"Hayaan mo na iyon, Ate. Material na bagay lang iyon at napapalitan." sagot nya.

"Ikaw kumusta ka na? Nasa ayos ka ba?" tanong sa kanya ng ate nya. Ngumiti si Mazee.

"Oo naman ate. Hwag kang mag alala sa akin. Ikaw nga inaalala ko. Mag asawa ka na!"

"Walang magkamali." natatawang sagot ng ate Merlana nya."Saka sasamahan ko muna sila mommy at daddy kapag okay na sila."

"Sorry ate, di kita matulungan sa bahay."

"Naku hindi. Ikaw na nga nagpaayos ng buong bahay at nag bigay ng pagkakatian namin. May mahihiling pa ba kami. Saka bata ka palang alam namin ang gusto mo sa malayo. Hindi ko lang ineexpect kabilang mundo pala ang layo na mararating mo."

"Thank you, Ate. Hindi ko nga rin akalain na iiba pala takbo ng buhay ko pag punta sa New York." tugon nya sa kapatid.

"Look at you. Ang ganda mo na lalo. Dati ako pinakamaganda satin, ngayon ikaw na. Ang kinis mo pa."

"Ate naman. Ikaw pa rin ang mas maganda." natatawang sagot nya sa kapatid. "At pinakamabait."

"I honestly feel left behind. Pero, okay lang as long as naasikaso ko sila mommy at daddy."

Hinawakan ni Mazee ang kamay ng ate nya.

"I can't thank you enough ate. I have a small gift sa bank account mo. Para sayo yon at wag na wag mong tatanggihan. Sa loob ng apat na taon, nagsisisi ako na di ko sinagot pati messages mo sakin.." naiiyak na sabi ni Mazee. "I was just lost.."

"Mazee, it's okay. I was really worried. Hindi ko rin akalain na nangyari yon. I can't even protect you, wala ako non at nagsisisi ako. Mazee, wag mo na akong bigyan ng gift. Hindi ko naman kailangan non ee. Masaya na ako sa simpleng buhay, mas kailangan mo yon at ikaw pa ang umaasikaso sa bills ni mama dito sa hospital saka yong kay daddy."

"Deserve mo yon ate. Kung anong maitutulong ko sayo, ibibigay ko kaya ko."

"Haaay, Mazee. Sana all yayamanin." biro nya sa kapatid para mabawasan ang nagbabadyang luha sa mga mata ng kapatid. "Basta tandaan mo, nandito lang ako para sayo."

"Likewise, ate."

Matapos nilang mag usap ay umuwi na si Mazee sa condo unit para maghanda ng hapunan ni Dallas at Taylor.

Nagluto sya ng calderetang baka at pipino salad. Matapos mag luto ng ulam ay nagsalang na sya ng sinaing sa rice cooker at umakyat na sa kwarto para makaligo dahil amoy ulam na sya. Matapos maligo ay wala pa rin sila Dallas at 7PM na ng gabi. Mula sa balcony ng kwarto ay naupo sya at nakatingin sa dagat. Malayo man ang dagat ay tanaw ito muna sa condo.

Kinuha nya ang phone at para mag music.

She played "To My Youth" by Bolbbalgan4 sa English lyrics. Hindi man sya kagalingan kumanta ay sinabayan nya ito dahil nakakarelate sya sa english lyrics.

As I Thought So (Book 2)Where stories live. Discover now