Chapter 9

125 15 1
                                    

"Dreigh.." nahihiyang tawag ni Mazee sa pangalan ng kaibigan nang tawagan nya ito.

"Oh! I'm glad you called. How are you?" tanong nito sa kabilang linya.

"I should be asking you that. I'm so sorry for what happened." naihiyang sabi ni Mazee at marahang tumawa si Dreigh.

"Your ex gf was strong huh? Feeling ko pinigilan nya pa yong suntok nya sakin."

"At natatawa ka pa?" hindi maiwasan ni Mazee ang mainis.

"Chill! Kasalanan ko naman. Kahit ako ganon din gagawin ko kung makita kong may kahalikang iba ang babaeng gusto at winiwinback ko."

"Hindi ka galit kay Dallas?" takang tanong ni Mazee.

"Hindi, bakit naman ako magagallit? Ang totoo nyan may nalaman ako."

"Anong ibig mong sabihin."

"Sa akin nalang yon. O sige na. May pasyente pa ako." saka nito binaba ang tawag. Napaisip naman si Mazee sa pinagsasabi nito, pero pinag sawalang bahala nalang nya. Nagtataka man si Mazee kay Dreigh ay pinagsawalang bahala nalang nya iyo.

Pumunta na muna sya sa first branch ng cake shop para icheck ito. Si Quinn nasa cake and coffee shop sya naka focus. Medyo malaki iyon dahil dinagdagan ng mga drinks. Itong unang shop ay puro cakes and pastries lang talaga. Pero sobrang malago ang business. Naging supplier na rin ang cake shop sa ilang restaurant at hotels.

Matapos nyang ayusin ang lahat at tawagan ang financial advisor nya ay naisipan nyang pumunta sa cake and coffee shop naman.

"Momsie!" agad na salubong sa kanya ni Hansen pag dating nya.

"Hi, Hansen. I missed you." bati nya sa inaanak. Kasunod ni Hansen si Quinn at Dallas.

May kung anong kirot sa puso nya pero hindi nya ito pinakita.

"Mazz, andito ka pala. Di ka nag sabi na pupunta ka pala?" tanong ni Quinn sa kaibigan.

"May ichecheck lang ako. Kailangan ko lang para makausap ko si Miss Vina." sagot nya sa kaibigan.

"Ah sige. Yong same papers lang dba? Aayusin ko lang saglit." tugon nya kay Mazee.

"Dallas, would you like a cup of coffee before you go?" tanong nya kay Dallas.

"Come' on Paps! Let's play." aya naman ni Hansen.

"Oh. Maybe, next time. I have an appointment in an hour." sagot naman ni Dallas.

"I see, Next time then. We will treat you. Thank you for coming with us." nakangiting sabi ni Quinn kay Dallas na bahagyang kinasimangot ni Quinn.

"Yeah, see you. Take care both of you." saka nag fist bump si Hansen at Dallas at humalik sa pisngi ni Quinn. Maagap na pumasok naman si Mazee sa shop at dumeretso sa opisina. Saka ito ang lock.

Napaupo sya sa swivel chair ng opisina at napahawak sa dibdib nya.

"You damn heart! You are always betraying me!" sigaw nya sa isip at himanpas ang dibdib. Nakakaramdam sya nang sobrang pagkainis. Hindi nya malaman anong namamagitan kay Quinn at Dallas. Ayaw nya komprontahin si Quinn. Alam nya ang storya nito at kung gaano sya ka miserable noon. Hapyaw na impormasyon lang alam nya about sa kanya at kay Dallas. Kung mahulog man sila sa isat isa lalo sa patuloy nyang pagtutulak kay Dallas ay wala syang magagawa.

Pero..

"What if lokohin din ni Dallas si Quinn?" hindi nya maiwasang bigkasin. "Come'on Mazee! Stop thinking!" sigaw nya sa isip. Nakakailang katok na si Quinn pero hindi ito pinagbubuksan ni Mazee.

As I Thought So (Book 2)Where stories live. Discover now