Chapter 3

178 16 3
                                    

Nang makababa si Mazee sa taxi ay agad na lumapit sa kanya si Dreigh. Nakita nyang nakasandal sa may pader nong bar na sinabi nya.

"Hi." Bati nya kay Mazee at humalik sa pisngi nito. Ngumiti naman si Mazee sa kanya at inalok ang braso ni Dreigh sa kanya na malugod nyang tinanggap. May pagka gentleman din tlaga si Dreigh.

Naupo sila sa isang table na komportable na magkatabi at hindi magkatapat.

"So what's with that face?" Tanong ni Mazee sa kanya. Umakbay sa kanya si Dreigh.

"I am just pissed." Sagot nito. "Seeing you made me feel better."

Inirapan naman sya ni Mazee.

"Maldita ka talaga." Natatawa nitong sabi.

"Buti alam mo." Mataray nyang sagot.

"So anong nangyari naman sayo?" Tanong nito na nakatitig sa mata ni Mazee. Bahagyang nilapat nag hintuturo sa baba ng mata nya na parang may pinahid. Pero wala namang luha si Mazee.

"I dont want to talk about it." Halata sa boses nya ang pagkainis.

"Oh okay." Sagot ni Dreigh at may waitress na dumating para kunin ang order nila. Napansin ni Mazee ang pagkindat nang waitress sa kasama nya.

"Hmmm.. mukhang type ka nya." Puna ni Mazee.

"Im not in the mood for flirting." Sagot naman nya. Pareho naman na silang naging tahimik na parang may iniisip.

Dumating yong order nya at napansin ni Mazee yong papel sa may tissue malapit sa inumin ni Dreigh.

Kinuha nya yon.

"Number nong nagpapacute oh." Sabi nya kay Dreigh at inabot. Di naman sya pinansin ni Dreigh at ininom yong order nyang alak. Nilapag nalang yong ni Mazee sa lamesa.

Halos wala silang masyadong pinag uusapan at medyo napaparami ang inom nila. Si Mazee iniisip si Dallas at Quinn. Si Dreigh naman halatang may iniisip din.

Bahagyang nakaramdam ng hilo ni Mazee.

"Hey. Are you okay?" Tanong ni dreigh sa kanya.

"Yup. I drank too fast." Sagot nya naman at nagkatitigan sila.

"Do you like me?" Tanong ni Dreigh. "Just an honest answer."

"Yeah, as a companion. A friend." Agad namang sagot ni Mazee. "Dont worry. I wont fall inlove with you." Natatawa nyang sabi. "Love is not real."

Ngumiti si Dreigh sa kanya.

"Glad to know that. I was also thinking that way and hoping that you wont fall for me."

"Lakas ng tama mo. Ayaw ko mainlove. Ayaw ko na nasasaktan. Saka jusko ah, taas ng confidence mo." Pang aasar nya kay Dreigh. Totoo naman walang kahit anong romantic feelings na nararamdaman si Mazee sa kanya. Masaya lang sya na kasama ito at wala nang iba pa.

"Nakakainis kasi na yong mga babae na madaling mainlove. Yong kaibigan mo tapos maiinlove sayo dahil nahalikan mo. O kaya pinakitaan mo ng sweet gestures kung ano ano na naiisip." Biglang sabi ni Dreigh. Ito marahil ang kanina nya pang iniisip.

"Well. Ibahin mo ko." Sagot ni Mazee. "Kahit halikan mo ko. Di ako mafafall sayo. Bato na ito ee." Sabay turo nya sa puso nya.

"Talaga ha. Paano kung halikan kita dyan." Hamon sa kanya ni Dreigh.

"Kung kaya mo." Hamon ni Mazee at nilapit pa ang mukha. "Baka ikaw ang mainlove."

"I won't go on that extent. I dont love." Seryoso nyang sagot kay Mazee at nilapit ang mukha sa nanghahamong kasama.

As I Thought So (Book 2)Where stories live. Discover now