Chapter 13

143 21 3
                                    


It has been 3 weeks, tahimik lang at di na ganon nararamdaman ni Mazee si Dallas. Occasionally, nakikita niya sya sa ilang restaurant na pinupuntahan. Maybe, just a coincidence dahil hindi naman nalalayo sa dalawang shop at sa salon yong mga restaurant.

Hindi rin mapakali si Mazee nitong mga nakaraang araw hanggang sa maisipan nya na buksan ang social media account nya. It was deactivated pero sa hindi malamang dahilan ay binuksan nya ito.

Nagulat sya sa mga nakitang messages mula sa mga kapatid nya. Sa bunsong kapatid at sa kapatid nyang lalaki na sumunod sa kanya.

"Mazee, we need your help."

"Ate, si daddy nakakulong."

"Ate, please maawa ka kay papa."

"Mazee, nahihiya kami pero hindi na namin alam ang gagawin."

"Please, Mazz we need your help."

"Nabenta na namin lahat ng sasakyan na napundar mo dahil sa utang ni daddy. Kahit kami nahihirapan na rin. Yong bahay nakasangla pambayad sa abogado."

"Napagbintangan si Papa at Kuya na pumatay. Na-set up sila yong ang totoo, pero walang gustong maniwala. Lahat ng abogado, tinanggihan at penerahan lang kami. Wala silang magawa."

"Nagmamakaawa kami. Si mommy nahospital na. Benebenta ko na rin yong bahay ko, pero wala pang bumibili. Kahit kunting tulong lang. Alam namin, malaki rin ang pagkakasala ni daddy sayo, pero magulang mo pa rin sya. Ikaw nalang pag asa namin."

"Mazee, sana mabasa mo to."

"Sorry, kung pati kami di ka kinamusta. Kung kinalimutan ka namin at ngayon kami humhingi ng tulong sayo. Sana kahit si daddy at mommy lang matulungan mo saka si kuya. Hindi na namin alam ang gagawin pa."

"Lubog na lubog na kami. Walang kasalanan si Daddy at kuya."

Ilang pictures din ang sinend ng mga kapatid nila. May pasa ang daddy at kuya nya na sa tingin nya ay pinagtulungan sa kulungan.

"Senator yong tatay nong namatay. Pero, tumulong lang sila daddy, pero sila ang binintangan. Pinipilit ng senator na death penalty sila. Yong mga public lawyer, pinipilit sila na umamin sa kasalanang di nila ginawa. Kakampi lahat ng senator ang batas. Paano nalang si daddy at kuya. Wala kaming kakampi, kahit media dahil yong senator ay kilalang mabait na tao. Hindi sila naniniwala samin."

Hindi na nakayanan pang basahin ni Mazee ang mga mensahe at tumulo ang luha. Sa kabila nang lahat, ayaw nyang makitang ganon ang magulang nya.

"I'll be back the soonest." reply nya sa mensahe ng kapatid.

Walang abogado sa Pilipinas ang gustong tumulong sa kanila. Iisang tao lang ang alam nyang mahihingian nya ng tulong.

Ang taong pinagtatabuyan nya..

Takot man siya pero wala syang magawa kundi ang lumapit sa taong ito. Kahit lahat ng kayamanan na meron sya ay handa nyang ibigay matulungan lang sya.

Nagmamadali syang umalis para pumunta kay Dallas. Pero, wala ito sa opisina nya kaya naisipan nyang pumunta sa apartment nito.

Pilit nyang tinutuyo ang luha sa mga mata nya.

Pilit nyang kinuha ang buong lakas nya at kumatok sa pinto ni Dallas. Natatakot sya sa magiging reaksyon ni Dallas na baka tanggihan sya lalo para ito sa daddy nya. Pero wala syang ibang choice lalo alam nyang international lawyer si Dallas. She had her Asia license sa Thailand, China, Korea at Philippines. (These are only for story purposes, not relevant in true life- author's note.)

As I Thought So (Book 2)Where stories live. Discover now