Chapter 6

276 21 10
                                    

Nagising si Mazee sa ingay na kanyang narinig. Binigyan sya uli ng pampakalma nong bigla syang bangungutin.

"What happened to your hand?" Tanong ni Quin  kay Dallas at kinuha ang namamaga nitong kamay.

"It was nothing." Sagot naman ni Dallas at napailing si Quinn. May maliit na kit sa hospital room at kumuha si Quinn ng panlinis sa sugat sa kamao nito at bandage.

"You should atleast control your temper." Mataray na sabi ni Quinn.

"I know I know." Natatawang sagot ni Dallas na kinabwesit naman ni Quinn. Pinigilan ni Mazee na maglabas ng kahit anong emosyon kahit na naiinis sya. Marahan syang naupo at pilit na di pinansin yong dalawa.

Pero maya maya pa ay naghihigikhikan yong dalawa.

"Can you please leave now?" Cold na sabi nya sa dalawa.

"Mabuti gising na. Kumain ka na muna." Alok ni Quinn sa kanya. Hinanda nya yong pagkain.

"Iwan mo nalang dyan. Kakainin ko mamaya. Gusto ko sanang mapag isa." Cold na sabi nya kay Quinn.

"Mazee, kailangan mo kumain muna." Pilit ni Quinn.

"Kakain ako mamaya. Hwag kang makulit." Pigil na inis na sinabi ni Mazee dito. "Gusto kong mapag isa."

"Alam mo napakatigas ng ulo mo. Ikaw lang inaalala namin." Sagot naman nya dito. Napataas ang isang kilay ni Mazee sa narinig.

"Edi thank you. Umuwi ka na at okay lang ako dito. Sanay akong mag isa." Nahihimigan sa boses nya ang pagka sarkastiko.

"Quinn, shes unwell. You shouldn't fight." Pigil ni Dallas. Di maiwasan ni Mazee na mas mainis. Alam nya na nag aalala lang din si Quinn sa kanya at alam nya ang ugali nito. Pero, sa panahong ito parang gusto nyang sumabog.

"Please lang.. please.. leave me alone." Cold nyang sabi.

"Fine." Sagot ni Quinn at saka nagsimulang lumakad palabas. "Kainin mo yang dala ko. Kundi isasaksak ko sa baga mo yan."

Di na umimik si Mazee.

"You should leave too." Tukoy nito kay Dallas.

"I won't leave this time. Not at all. I am not going to leave you again, not anymore" Sagot ni Dallas at parang may kung anong kirot sa puso ni Mazee na di nya maintindihan. Napahawak sya sa dibdib at bumuntong hininga.

"Please. I want to be alone.. i want to think." Pakiusap ni Mazee at naupo naman si Dallas sa sofa.

"Don't mind me here. I wont move an inch or make any noise." Seryosong sagot naman ni Dallas.

"Maybe, you should take a bath for now. You've been here the entire time and I do not want to owe you anything."

"Well, its my decision too. I chose to stay with you."

"But you were just too late."bulong ni Mazee sa isipan. Kilala nya si Dallas at alam nyang di nya mapapaalis ito.

"Uhmm.. can you bring me some other fruits. I am craving for kiwi and pomelo. Also, ramen from the shop at.."

"Yeah, I know your favorite shop." Sagot ni Dallas. "I'll get that for you and will ask the nurse to look after you. I'll be back soon." Paalam ni Dallas dito.

"Here's my card."

"Come on,Mazz. I dont need that." Ngiti ni Dallas sa kanya at umirap.

"If you could add some hard boiled egg and a can of soda. That would be nice. Also, strawberry shory cake."

"Im glad you want to eat now. Anything else."

"That is it. Thanks."

"Just stay here. Okay?"

As I Thought So (Book 2)Where stories live. Discover now