Chapter 18

186 23 1
                                    

Isang bangungot nanaman ang syang gumising kay Mazee.

"Wag!" sigaw nya at napalikwas sa pagbangon. Hinabol nya ang hininga at sobra syang nagpapawis.

"Babe?!" alalang tawag sa kanya ni Dallas na nagising din. Binuksan nito ang ilaw sa lampshade. "You okay?" alalang tanong nya at maagap na bumangon para kumuha ng tubig. Tinulungan nya rin si Mazee na inumin ito dahil nakita nya ang panginginig.

"I'm here." alo nya kay Mazee at pinupunasan ang namumuo nitong pawis sa noo. Muli syang umupo sa tabi ni Mazee at pinasandal sa kanya. Kahit nasa likuran sya ni Mazee ay nagawa nya itong mayakap. Hinalikan nya ito sa ulo at narinig nya ang munting hikbi ni Mazee. Hinayaan nyang umiyak ito habang sinusigurado nya na nararamdaman ni Mazee na hindi sya nag iisa.

"Just make sure, you were there everytime she has night mares. Don't force her to talk. Let her open up to you. The more you ask, the more she will run away. She was in trauma and you are the only cure I can think of. Make her feel she's not alone. She has this anxiety and trauma that she was facing alone for years. She had been battling her self."

Ito ang mga salitang tumatak kay Dallas nang minsang silang mag usap ni Dreigh matapos ang insidente nang pagsuntok nya dito. Sinadya sya ni Dreigh para makapag usap, dahil mahalaga rin sa kanya si Mazee at gusto nya itong tulungan para gumaling. She has no other choice, but to find her a cure. And she knew, the only cure is the one who cause all of this. The one that Mazee can't forget..but, she kept on running away from her... Dallas.

Ilang beses na rin na narinig ni Dreigh sa tuwing magkasama sila ni Mazee na iniisip nya na mamatay.

"Once I die, I will give all what I have to my friends, to charity, still I will give some to my family even they don't want me. Would you also like a share?"  Even it was a joke, she knew that there's something on Mazee's head. Dreigh was careful as she knows that Mazee is fragile.

"I just want to end everything."

"No one will care.. It's better I'm gone."

"It's tiring, nothing is changing. Im so done."

"I want to rest like forever."

"End of life sounds better. And it is an option."

Iilan lang ito sa mga linya na napapansin ni Dreigh kay Mazee. Madalas pabulong at lagi syang inoobserbahan ni Dreigh. It was listed to her notes about Mazee's thoughts para matulungan nya. Minsan ginagamitan na nya si Mazee nang pagalit nyang strategy, pero hindi nya pa rin ito mapag salita. She was suppressing her self.

Dallas started singin "Gonna be okay" by Brent Morgan. Pakiramdam ni Mazee ay di sya nag iisa ngayon. Humarap si Mazee sa kanya at bigla syang niyakap.

"Dallas, wag mo ko iwan.." bulong nyang sabi dito. Sa pag kakaalam nya di sya naiintindihan nito. "Natatakot ako.. sobrang natatakot ako. Hindi ko matakasan ang lahat. Bumabalik.."

Buong puso lang syang niyakap ni Dallas.

"Pagod na pagod na ako.. hindi ko na alam kung kakayanin ko pa."

"Babe, I'm just here. Don't worry. Whatever your burdens are, I will protect you. I'll take care of everything. No ones going to harm you." bulong nya kay Mazee at hinahalikan ito sa may ulo nya. Sinubsob ni Mazee ang mukha nya sa leeg ni Dallas at mahigpit syang niyakap. Hanggang sa muling nakatulog si Mazee dahil sa pag iyak.

For Dallas, Mazee's embrace was the warmest thing she ever experienced. She doesn't want to let go of her.

Alam ni Mazee na may bumabagabag sa kanya at tungkol ito sa pamilya nya. Sobrang nag sisisi sya sa nagawa nya kay Mazee at nagagalit sya sa sarili. Hindi nya inalam ang lahat at nagpadala sya sa sakit habang nagdudusa na pala ang babaeng sobrang mahal nya. Kung ano man ang bumabagabag sa kanyang fiancee ay aalamin nya ito.

As I Thought So (Book 2)Where stories live. Discover now