Chapter 4

176 16 8
                                    

"Elise, are you done?" Tanong ni Mazee pagkapasok sa pinto ng salon office.

"Oo, tapos na ako. Sorry natagalan ako." Hingi nya ng paumanhin dahil naghintay sa kanya ni Mazee.

"Okay lang. Katatapos ko lang din sa mga gjnawa ko." Sagot nya. "Saka sakto maaga pa naman. Sakto tayo nito sa diner."

"Sige." Nakangiting sagot nya.

Bigla nalang silang mas naging close ni Mazee. Nag paalam na sila sa mga staff at sumakay sa kotse ni Mazee. Pumunta sila sa diner na madalas kinakainan nito. Naupo din sila sa favorite spot ni Mazee. Maswerte sila at walang masyadong tao.

"Anong gusto mo?" Tanong ni Mazee sa kasama.

"Mukhang halos lahat masasarap. Ito nalang cheese burger."

"Sige, kuha narin tayo ng fries. Gusto mo ba ng frappe?" Tanong nito.

"Coke nalang sa akin. Ikaw ba?" Tanong nya.

"Coke nalang din. Match sa coke. Share tayo sa pasta. Di ko kasi nauubos, ang laki ng servings."

"Sige, ikaw bahala." Sagot ni Elise. Ngumiti naman si Mazee at nag order ng pagkain nila. Nag uusap lang sila ng mga kung anu anong bagay. Dumating naman ang pagkain nila at masaya silang kumain.

"Oh.. Look who's here." Bati ni Dreigh kay Mazee at agad na hinalikan sa pisngi.

"Oh. Hi. What are you doing here?" Medyo nagulat si Mazee.

"For dinner." Sagot nya. "Can I join you?"

"Yeah. Sure. Have a seat." Umusod si Mazee para nakaupo si Dreigh at napantingin naman ito kay Elise. Bahagyang nailing si Elise sa pagkakatingin ni Dreigh sa kanya.

"By the way, she's Elise. Uhmm. Elise, this is Dreigh." Pakilala ni Mazee sa kanila.

"Nice to meet you, Elise." Sabi ni Dreigh at inabot ang kamay dito. Halatang nag aalangan si Elise pero inabot naman nya ang kamay dito. Pero di binitiwan ni Dreigh at nakatitig kay Mazee.

"Hey.." puna ni Mazee at tinanggal ang kamay ni Dreigh. "She is off limits." Mataray na tugon ni Mazee dito.

"She looks like someone I know." Biglang seryosong sabi nito.

"Do you know her, Elise?" Tanong ni Mazee.

"Nope. This is the first time I met her." Sagot naman nya dito.

"She looks like my future wife." Biglang sabi nk Dreigh na kinabusangot ni Elise at kinatawa ni Mazee at di maiwasang batukan ito.

"That hurts, I may get concussion." Reklamo ni Dreigh.

"Pakaarte naman nito, as if naman magbagok ulo nito sa hampas ni Mazee." Bulong ni Elise na naiinis, pero narinig ito ni Dreigh.

"She's my friend's girlfriend so stop flirting." Mataray na sabi ni Mazee kay Dreigh pero di mapigilang matawa. "I thought, you don't do love? So I am warning you, not my friend."

"Dang.. I can change for Elise." Sagot naman nya kay Mazee at kinurot nya ito.

"Mazz, masakit kasi!" Reklamo nito. Bahagya naman na kinabahan si Elise kasi nagtatagalog pala ito. Pero, naiinis kasi sya sa kapreskuhan ng kaibigan ni Mazee.

"Deserve mo yan!" Mataray na sabi ni Mazee. "Pagpasensyahan mo na itong si Dreigh. Madalas kasing malandi to."

"Baka maniwala si Elise, wag kang ganyan." Maktol nito.

"Tumahimik ka. Di bagay sayo." Syang dagdag ni Mazee.

"Hi, Eve. Hi Mazz." Sabi nang kararating na si Alexi at hinalikan si Elise sa labi. Napatingin naman si Dreigh dito.

As I Thought So (Book 2)Where stories live. Discover now