Chapter 7

213 17 2
                                    

Nang madischarged si Mazee at si Dreigh narin ang nagtuloy ng therapy session nya. Mas lalo rin na naging close si Dreigh at Mazee. Pero, nahihirapan si Dreigh sa kalagayan ni Mazee dahil ayaw nyang sabihin ang talagang problema nya. Madami syang loop hole at alam ni Dreigh yon. Madaming beses nya rin nyang nahuhuli si Mazee. At isa lang ang nasisiguro nya.

Mahal pa rin ni Mazee si Dallas at natatakot si Mazee na maiwan uli at umasa dito. Feeling nya na hindi sya nito pinapahalagahan tlaga. Bumabalik sa isip nya yong araw kung kailan sya nabaril.

"Mazee, paano kita matutulungan kung ang gulo gulo mo!" Di na maiwasan ni Dreigh na magalit.

"Ee sa ayaw ko. Wala kang magagawa! Basta di ko na maalala yon na yon!"

"Here we again in your temper."

"Ang kulit mo kasi."

"For pete's sake! Ikaw lang ang pasyenteng sobrang tigas ng ulo. Baka dalhin ko yang Dallas na yan dito nang malaman mo!"

"Subukan mo!" Panghahamon ni Mazee. "Idedemanda kita."

Ngumisi si Dreigh. "Edi kukunin ko na abogado si Dallas, sure win ako agad don."

"Bwesit!" Iritang sagot ni Mazee. Tumunog na yong timer at ngumiti si Mazee.

"Times up! 2h na. Ano stress ka sakin?" Pang aasar pa ni Mazee dito.

"Oo sobra. Pasalamat ka wala na akong trabaho ngayon."

"Tara, bar tayo. Treat ko."

"So ayon nalang babayad mo sakin?" Biro naman ni Dreigh sa kanya. Maganda ang nabuild up nilang friendship, mag aaway man sila pero mabilis lang silang magka ayos.

6pm to 8pm session nila every saturday dahil yong ang pinaka vacant ni Dreigh. Pumunta na sila sa isang bar para uminom.

Nang makaorder ng inumin nila nagkwentuhan uli sila pero pasimple na nagtatanong si Dreigh sa kanya.

"Tantanan mo ko Dreigh. Wag mo ko simplehan di ako pinanganak na bobo." Sagot nya dito napakamot nalang si Dreigh. Maya maya pa ay nag play ng sweet dance song. Inaya ni Dreigh si Mazee na sumayaw at tinanggap naman niya.

Nag uusap sila habang sumasayaw.

"I want to kiss you." Sabi ni Dreigh.

"Nainggit ka lang sa iba ee." Pang aasar ni Mazee at ngumiti ito at natawa. "Then, kiss me."

Ngumiti si Dreigh at hinalikan si Mazee. Yong braso ni Mazee nasa balikat ni Dreigh at mas lumalim pa ang halikan nila. Nagulat nalang si Mazee at Dreigh nang biglang may humablot kay Dreigh kasunod ang suntok. Napaatras sya sa lakas ng suntok at nakita ni Mazee ang galit na mukha ni Dallas ang nakita nya.

"Dallas, what did you do?" Lalapitan ni Mazee si Dreigh pero hinila sya ni Dallas papalapit sa kanya. Akmang aalis na sila pero pinigil ni Dreigh.

"Hey, stop!" Pigil ni Dreigh.

Pero sinuntok uli sya ni Dallas at natumba ito.

"Dallas stop!" Inis na sabi ni Mazee. "Let go of me! Dreigh!" Pero wala syang magawa nang kaladkarin sya ni Dallas at sinakay sa kotse.

"Dallas what are you doing?!" Di mapigilan ni Mazee na magtaas ng boses. Pero natatakot sya kay Dallas.

"Open the door!" Utos nya dito kahit natatakot sya. Pero pinatakbo na ni Dallas yong sasakyan. Nag aalala si Mazee kay Dreigh.

"Dallas what is wrong with you?!"

Pero hindi umiimik si Dallas. Di pa rin nag babago ang expression sa mukha nito. Alam nyang walang mangyayari kaya hindi na sya umimik pa. Napansin ni Mazee na malayo na sila NYC.

As I Thought So (Book 2)Where stories live. Discover now