Chapter 23

169 19 2
                                    

"How long will you stay?" tanong ni Mazee kay Chi.

Umalis si Dallas at Taylor dahil pumunta sila sa presinto para ayusin ang bail ng tatay at kuya ni Mazee. Hindi pa rin sya handang makausap ang mga ito kaya pinili nyang maiwan sa unit kaya magkasama sila ni Lucille ngayon.

"Hangga't hindi pumapayag yong halimaw na paalisin ako." tamad na sagot ni Chi. "Buti nalang dala ko tong laptop ko para sa work."

"So, okay na kayo ni Taylor?" tanong ni Mazee.

"Hindi. Pero, alam ko hindi nya ako titigilan. Kala naman nya makukuha nya ako sa ganito at wala akong plano dahil papakita ko sa kanya na wala na syang epekto sakin."

"Gaano na ba kayo katagal ganito?" tanong ni Mazee sa kaibigan.

"Matagal na, di ko maalala pero siguro mag 1 year na din. Naubos ako Mazz at ang hirap makipaglaban sa taong patay na." sagot ni Chi at kitang kita na Mazee ang lungkot sa mga nito. "Alam mo yong pakiramdam na option nya lang ako, kasi wala na si Lucilla? Yong first love nya, ang reason kung bakit sya naging police. Ang sakit lang na maikompara sa taong patay at hindi ako siya. Ang galing pa ng pangalan namin, Lucille and Lucilla. What a coincidence dba?"

"I understand, Lucci." tugon ni Mazee at hinawakan ang kamay ni Chi. "Mahirap ang maubos. Ngayon ko lang nakilala si Taylor, pero nong mga nakaraan ikaw ang bukambibig nya. I just want you to know, but I am always by your side. Whatever your decision will be, I will support you."

'Thank you, Mazee." sincere na sagot ni Chi. "Ang malas lang namin ni Quinn sa mga Clarke na yan." natatawa nyang sabi sa kaibigan. "But, Hailey, was somehow different. Tho, girly siya pero until now sila pa rin ni Pam."

"Quinn is doing fine so far. Si Hansen, malaki na rin sya."

"Sana makauwi sila minsan, namiss ko na magkakasama tayo." syang sabi ni Chi.

"Pwede ka namang bumisita din sa amin sa New York. Ako na bahala sa titirahan mo don."

"Hindi ko pa kaya pumunta don." natatawang sagot ni Chi. "Saka di ko pwedeng pabayaan ang trabaho ko. Balang araw makakamit ko rin ang pangarap ko."

"May bago akong investment, sa isang publishing and advertisement company. I can help you get a job sa NY." offer ni Mazee sa kanya.

"Okay lang ako, Mazz. Salamat sa offer." sincere na sagot nya sa kaibigan. "By the way, buti okay na kayo ni Atty?"

"Ah oo." nakangiting sagot nya. "I just didn't expect na nitong nagkasama kami, parang naopen uli puso ko. Pero, may takot pa rin na hindi mawawala. I was just thankful na sa kabila ng lahat nang nangyare, sa pagtataboy ko sa kanya at pang aaway ay tinulungan nya pa rin ako."

"I'm happy for you, Mazz. Akalain mo, kayo talaga hanggang sa huli."

"Sana nga, Lucci. And, sana ikaw din makita mo na ang peace and happiness mo.. Basta wag mo masyadong ibaon sarili mo sa galit ah, para di ka matulad sakin."

Masaya silang dalawa na nagkwentuhan nang dumating si Dallas at Taylor. Tumayo agad si Mazee para salubungin si Dallas at hinalikan sya nito sa labi. Bumati sa kanya si Taylor at bumeso saka tumabi kay Chi. Pero, umusog naman si Chi nang tabihan sya ni Taylor. Nilapag ni Dallas ang bag sa umupaan at kinuha ni Mazee ang jacket nya.

Nakatingin naman si Taylor sa kanila.

"Sana asikasuhin mo rin ako." pabulong na sabi ni Taylor kay Chi.

"Di ka bata para asikasuhin." mataray na sagot ni Chi.

"Haaaaay." napabuntong hininga si Taylor at napasandal sa sofa.

As I Thought So (Book 2)Where stories live. Discover now