Chapter 14

128 19 2
                                    

Nakabook agad si Dallas ng flight nang sabado. Kinuha na ni Mazee ang ibang mga gamit sa unit ni Alexi at si Gigi. Sayang lang dahil hindi sya nakapag paalam ng personal kay Alexi at Elise dahil umalis papunta sa New Jersey.

Karga karga ni Mazee si Gigi at si Dallas na ang nagdala sa mga maleta nong bumaba na sila sa building. Ito na rin yong mga gamit na dadalhin nya papunta sa Pilipinas.

"Are you sure that I can really bring her?" uli na tanong ko kay Dallas.

"Yeah." sagot nya at nagmaneho na. Niyakap naman ni Mazee si Gigi at lihim na napangiti si Dallas nang panggigilan nito si Gigi habang yakap. Dahil sa ginawa na iyong ni Mazee tumalon sa lap ni Dallas si Gigi.

"Gigi!" reklamo ni Mazee at amuse na nakatingin sa aso nya. "Pinagpalit agad ako!" saka padabog na sumandal sa kinauupuan.

Pagkarating sa unit, nagmamadali naman na tumakbo si Gigi papasok sa apartment building. Hila hila ni Dallas ung dalawang maleta ni Mazee at hila naman nya ung maleta kung saan nakalagay ang mga gamit ni Gigi. Sa susunod nalang nila babalikan yong ibang gamit na naiwan sa unit ni Alexi. Mabait naman na naghihintay si Gigi sa may elevator.

Nang makapasok na sa unit agad na tumakbo si Gigi sa sofa. Gustong gusto ni Gigi sa sofa. Umakyat si Dallas sa taas para ilagay ang maleta don. Inayos naman ni Mazee ang mga gamit ni Gigi sa baba. Yong soft na higaan nya, dog food at mga treats.

Matapos iyon ay naupo si Mazee sa sala at binuhat si Gigi.

"Welcome to your new home, Gigi." sabi nya sa kanyang aso. Isang kahol lang ang sinagot ni Gigi. Hindi naman lingid sa kaalaman nya na nakatingin sa kanila si Dallas. "IIwan muna kita kay Quinn at Hansen kasi pupunta muna ako sa Pilipinas. Kung pwede lang kitang isama kaso di naman kita maasikaso."

Biglang may nag doorbell at si Mazee na ang tumayo para buksan ito.

"Sabi ko na nga ba, ikaw nga nakita ko." bulalas ni Quinn. Sumalubong din si Gigi sa kanya. "Hi Gigi! I miss you!" kinuha nya si Gigi at kinarga.

"Quinn, ang biliis mo naman! Parang chismosa to." biro ni Mazee sa kaibigan at natawa silang dalawa.

"Wait lang, bakit ka andito? Anong nangyare, parang kailan lang mag kaaway at di kayo nagpapansinan." tanong nya kay Mazee at pumasok na sila sa loob ng unit ni Alexi.

"Gusto mo talaga malaman?"

"Oo naman!" curious na sagot ni Mazee. Lumapit si Mazee at bumulong kay Quinn.

"Nag sx kami tapos mamaya uli.. aray! Masakit kasi!" reklamo ni Quinn dahil kinurot sya ni Mazee.

"Umayos ka Mazee!" gigil na sigaw nito.

"Maayos naman ako. Ang sakit ng kurot mo!" maktol ni Mazee at para syang bata na gumanti kay Quinn.

"Aray!" maktol ni Quinn.

"Ikaw kasi napakasadista mo!"

"Hindi mo kasi ayusin mga sagot mo! Nakakabwesit ka!" inis na sabi ni Quinn sa kanya. "Ano, dinaan ka ba nya sa santong paspasan? Kahit gusto ko magkabalikan kayo, kung di rin aayusin ni Dallas sarili nya ee tatampalin ko sya."

"Talaga? Ee kampi ka nga sa kanya." tampo ni Mazee sa kanya.

"Wala akong kinakampihan. Pareho kasi kayong ewan."

"Kala mo sya hindi."

"Mazee naman kasi seryoso ako."

"Seryoso din ako." sagot nya sa kaibigan.

"Ano nga kasi." pilit nya kay Mazee. Binaba naman ni Quinn si Gigi at tumakbo na ito papunta sa bakanteng sofa sa dulo.

"I'll just be going to the office. I'll be back at 7PM." sabi ni Dallas na bihis na at nakita si Quinn. "Oh! Hi Quinn." lumapit sya rito at hinalikan sa pisngi.

As I Thought So (Book 2)Where stories live. Discover now