Chapter 21

119 20 1
                                    

Nakatanggap si Mazee ng invitation mula sa isa yang college friend nong nalaman na nakauwi sya. Kauuwi lang din kasi nang kaibigan nya mula sa Canada at gusto nilang magkita kita.

Sa isang malapit lang na restaurant resort mula sa condo na tinitirihan nila Mazee sila mag lulunch.

Pinayagan naman siya agad ni Dallas dahil alam nito na kailangan nya rin ng time para sa sarili nya. Hahatid sana sya nila Dallas at Taylor papunta don sa meeting place pero tumanggi na si Mazee dahil ayaw nyang maabala sila sa lawfirm. Nagsabi na rin sya kay Dallas na uuwi na rin muna sya pagtapos nilang maglunch meeting para ipagluto sila nang hapunan.

Hinatid ni Dallas si Mazee sa labas ng lawfirm at naghintay ng taxi na maghahatid sa kanya. Sya na rin ang nagbukas at nagsara ng pinto.

"Message me once you're there." paalala sa kanya ni Dallas.

"I will." nakangiti nyang sagot.

Humalik pa si Dallas sa kanya at saka umalis na ang taxi ni Mazee. Nagbalik trabaho naman sila Dallas para sa mga chinecheck nila tungkol don sa kaso.

Nang makarating sa meeting place ay nakita agad ni Mazee ang kaibigan nya na nakaupo sa isang long table. Nag send naman sya kay Dallas ng message na nakarating na sya sa tagpuan nila ng mga kaibigan nya.

"Hi, Jasmine." Msayang bati ni Mazee sa kaibigan at napatingin sa kanya ito na nagtataka. "Ako to, si Margaux."

"Omg! Margaux, you look different!" bulalas ng kaibigan. "Akala ko kamukha ka lang kasi grabe. Sobrang iba ka na."

Yumakap ito sa kanya at naupo na sila.

"Nice to see you again."

"Me too. Halos wala na kami balita sa iyo. Saan ka na ba nagwowork? Sa Manila pa rin, sa isang private company?"

"Ah.. hindi ee."

"Oh.. okay. Edi san? Namiss kita, grabe wala talaga akong naging balita sayo. Kumusta ka na ba?" tanong nya uli nang biglang may dumating pa silang mga kaibigan. Kasama sa group of friends ni Mazee nong college sya. Naupo sila agad nang dumating at nakatingin kay Mazee.

"Si Margaux yan." natatawang sabi ni Jasmine.

"Sabi na eh! Grabe glow up mo friend." bulalas ni Crista. Nagsimula na silang magkuwentuhan at lumipat si Margaux sa tabi ni Bella na close nya nong college. Nasa bandang dulo si Mazee at nasa second to the last naman si Bella.

"Margaux, wag ka maooffend sa tanong ko ah. Nagpaayos ka ba ng ilong? para kasing nag iba ee." tanong ng isa sa mga college mates ni Mazee. Natawa si Mazee at naalala nya na isa sa mga new procedures sa salon nila ay nose and other face enhancement.

"Yeah." tipid nyang sagot dahil alam naman nya na ipipilit nila iyon. Wala namang masama kung magpaganda sya dahil nakaramdam sya ng matinding insecurity noon. She searched for an escape and way para malabanan nya ang insecurity nya. But, she didn't change her self as she only went on some enhancement. She did not undergo on any knife surgery.

"Yayamanin na si ate mo." natatawang sabi naman ng isa. "Saka friend yong skin mo, sobrang glow up. Ang puti mo saka ang kinis. Share mo naman skin care mo."

"Sure." nakangiti nyang sagot.

"May Bf ka bang afam o mayaman?" syang tanong naman ng isa nyang batch mate.

"Ah uhmmm, actually Engage na ako, pero di ako ginagastusan ng fiance ko. I can sustain myself."

"Wooooooh.." halos sabay sabay na bulalas nila.

"Patingin ng singsing.' excited na request ng isa nyang naging classmate. Nahihiya man sya ay pinakita nya.

"Parang fake." biro ng isa.

As I Thought So (Book 2)Where stories live. Discover now