11

6.2K 231 40
                                    


Trigger warning: This chapter contains potentially disturbing contents. That content might include graphic references to topics such as sexual abuse, violence and murdering.

-

Alpheus

Tulala lang akong naka-upo rito sa loob ng classroom habang nagtuturo ang isa pa naming professor habang itong dalawa naman sa magkabilang gilid ko ay panay ang bangayan.

"Manahimik kana nga, pangit." Inis na singhal ni Crest kay Kyshin.

"Did you just call me pangit? The audacity, Villamore!" Maarteng sabi ni Kyshin.

"Susupalpalin ko kayong dalawa kapag hindi pa kayo tumigil." Naiiritang sabat ko kaya agad silang napatigil.

"Bakit ba badtrip ka? Binasted ka ng mommy mo, no?" Nakangising pang-aasar ni Kyshin.

Binasted amputa nung sinabi ko ngang "The sky is beautiful, isn't it?" Sinagot ba naman ako ng "It is" sabay irap.

Putangina talaga, walangya.

"Sinong mommy?" Takang tanong ni Crest.

"Bobo, si Prof. Russo." Sabi ni Kyshin bago binatukan si Crest.

"Bakit ka nambabatok? Pinapalamon mo ba ako, ha?!" Inis na sabi ni Crest.

"Ang bobo mo kasi, tangina mo." Pang-aasar pa no Kyshin.

"Huwag mo akong murahin at tawaging bobo dahil hindi mo ako pinapalamon, kingina ka." Naiinis na turan nito bago binatukan si Kyshin.

"Putangina, tumigil na nga kayong dalawa!" Sigaw ko kaya biglang tumahimik ang buong classroom.

"Fuego, Villamore and Valer." Mariin at galit na tawag samin ng professor.

"Yes, sir?"

"Get out!" Sigaw nito.

Dali-dali kaming naglakad papunta sa pinto ngunit bago kami lumabas ay humarap muna ako kay Prof na hinihintay kaming maka-alis.

"Professor Tayson," tawag ko sakanya.

"What?" Galit na tanong nito.

"Ang boring niyo po magturo, tingnan mo mga ka-block ko karamihan sakanila natutulog." Nakangising sabi ko bago tumalikod at pabagsak na sinara ang pinto.

Humagalpak kami ng tawa habang naglalakad papunta sa cafeteria para doon tumambay dahil tiyak na walang tao sa kubo ngayon dahil nasa klase sila.

"Gago ka, Ari. Jusmiyo, papatayin tayo nito ni Sirene at Harm." Tatawa-tawang sabi ni Kyshin.

"Nagsabi lang naman ako ng totoo." Nakangusong sabi ko na ikinatawa nalang nila.

Nag-uusap at nagtatawanan lang kami habang naglalakad papunta sa cafeteria nang biglang humarang sa daan namin si Wyn.

"Hi, Anari." Bati nito bago nahihiyang nag-iwas ng tingin.

"Hey, Wyn." Bati ko pabalik.

"Ari, nag message si Khaion na nandoon sila sa kubo." Bulong sa'kin ni Crest na tinanguan ko lang.

"May sasabihin kaba, Wyn? Kailangan na kasi naming umalis e." Nakangiting baling ko kay Wyn na ngayon ay parang natulala pa ata.

"Ah, ano kasi gusto sana kitang makausap." Napakamot pa siya sa batok kaya mahina akong natawa.

"Sige, ano ba 'yon?" Tanong ko.

"Aayain sana kitang lumabas sa susunod, kung kailan ka libre." Sabi nito at namumulang nag-iwas ng tingin.

Dance The Pain Away Where stories live. Discover now