31

5.8K 192 84
                                    



Uneasy


"Should I punish you?"


Putangina!!!


"Nag paalam ako!" Kinakabahang sabi ko.


"Are you shouting at me, Alpheus?" My breathing hitched because of the way she said my name.

It sounded so sexy and seductive.


"H-hindi ah." Umusog ako palayo ngunit agad din naman siyang lumapit ulit at niyakap ang baywang ko.

Mahabagin, iligtas niyo po ako mula sa tuksong 'to.


Hindi ako maka-diyos na tao at hindi rin ako nagdadasal pero nang dahil sa babaeng 'to ay bigla nalang akong nagiging maka-diyos at napapadasal nang wala sa oras.


"Tulog na tayo, babe?" Naiilang na tanong ko.


"Were you jealous earlier?" She asked.

"Hindi, bakit naman ako magseselos? Hindi hamak na mas pogi naman ako sa espasol na 'yon, por dios por santo." I furrowed my brows.


"Really, huh?" Nakangising tanong niya.

"Hindi nga, layo." Hinawakan ko siya sa balikat para sana i-tulak.


Agad na napadiin ang hawak ko sa balikat niya nang bigla niyang halikan ang likod ng tainga ko pababa sa leeg ko.


Tanginang punishment naman 'to, mapapahamak ang pagpipigil ko nito.


"M-ma'am- Ah!" I unconsciously moaned when she sucked my neck leaving a mark.


"Let's sleep, shall we?" She asked smirking before walking away.


Tulalang pinanood ko lang siyang umakyat ng hagdan hanggang sa lumiko na siya papunta sa direksyon ng kwarto niya.


"What the fvck did just happened?" Bulalas ko.


Pagkatapos ng gabing 'yon ay mas madalas na siyang umuuwi ng late at palagi pa silang magkasama ni espasol. Ang sabi niya ay tungkol lang daw 'yon sa negosyo nila kaya hinayaan ko nalang dahil malaki ang tiwala ko sakanya at malaki ang tiwala ko sa sinabi niyang mahal niya ako.



Nandito kami ngayon sa bar kasama si Elara dahil babantayan niya raw ako kasi baka mambabae raw ako rito. Nag-iinuman lang kami habang may sari-sariling mundo, kausap ko si ma'am, si Kyshin naman ay nakikipagusap kay Crest mukhang nag-aasaran, si Aldriana naman at Arc ay seryoso ring nag-uusap katulad nina Khai at Khaion habang si Pula naman at Cy ay nakatulala habang umiinom.


"I told you to just stay at home and rest." Pagalit na sabi ko nang makita ko siyang humikab.


Paano ba naman kasi late na siya dumating tapos habang kumakain kami ay biglang nag-aya ng inuman ang mga gago kaya 'yon nung nag paalam ako sabi niya sasama raw. Halos abutin pa kami ng kalahating oras dahil nag talo pa kami, at dahil nga batas siya saamin ay siya rin ang nasunod.


"I'm fine, let's just drink and have fun." She convincingly said.


Wala akong nagawa kundi ang bumuntong hininga dahil hindi naman ako mananalo sakanya. Nag-usap nalang kami tungkol sa mga bagay-bagay hanggang sa bigla nalang naming narinig na humikbi si Pula.


Punyeta, sinasabi ko na nga ba at mangyayare 'to. Hindi na ako magtataka kung sumunod na umiyak si Cyler dahil pareho silang iniwan ng kambal.


Dance The Pain Away Where stories live. Discover now