23

6.7K 239 43
                                    

Home


Nandito parin kami sa hospital dahil hinihintay namin mag alas nuebe para tuluyan na akong makalabas. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang gitarang 'to na binigay sa'kin ng paslit pagdating niya galing sa labas.


"Anong gagawin ko rito?" Tanong ko.


She rolled her eyes at me. "Duh? Of course you'll play a song for us."


Attitude talaga ang batang 'to, manang mana sa pinagmanahan niya.


"Attitude ka, ghorl?" Inirapan ko siya bago nagsimulang kalabitin ang gitara.


"Why aren't you singing??" Mataray na tanong nito.


Jusme, kung wala lang dito sa ma'am sa loob ng kwarto ay baka tinapon ko na ang paslit na 'to sa labas ng bintana.


"Anong kanta ba gusto mo?" I asked.


She suddenly touched her chin using her index and middle finger while slightly looking up as if she is thinking deeply.


"You decide." Tangina, antagal niyang nag-isip tapos ako lang din pala mag de-decide?


"Ten thousand hours." Her brows furrowed while confusion is visible on her face.


"Are you a time traveler or it's your remaining hours here on earth?" Kunot-noong tanong niya kaya napalatak ako.


Oh god, please give me more patience. I was talking about the song, damn it.


"Gusto mo ba mag travel galing ten floor papunta sa ground floor nang hindi gumagamit ng elevator o hagdan para isang minuto nalang ang remaining time mo rito?" Tanong ko sakanya pabalik.


"Is it possible?" Inosenteng tanong nito.


"Ma'am," nagsusumbong na tawag ko sa propesora na nakatutok sa cellphone niya.


"What?" Tanong nito habang hindi inaalis ang tingin sa hawak.


"Pwede ba-"


The door suddenly sprang open. "Babe!"


Ito na ang delubyo.


"Raven," walang ganang sabi ko.


"Are you okay? You don't need to be operated, right? No severe damage? Please tell me it is not in your chest, because I fvcking swear to god-" Naputol ang pag-iinarte nito nang biglang tumikhim si ma'am at tiningnan siya ng masama.


"Haven't you realize that there is a kid in here, Mr. Arcanghel?" Malamig na tanong nito.


"M-ma'am!" Nauutal at gulat na tawag nito kay ma'am.


"You can continue scolding her but don't cuss because we have a kid in this room." Dagdag pa nito bago muling binalik ang tingin sa cellphone niya.


Anak ng, akala ko pa naman kakampihan niya ako.


Napatingin sa'kin si Raven na parang nagtataka kung bakit nandito ang propesora ngunit umiwas lang ako ng tingin.


"Ri, are you feeling okay?" Malumanay na tanong nito.


I snorted and glared at him. "Kung ikaw kaya barilin ko tapos tanungin din kita kung okay ka lang, ano isasagot mo?"


"Why are you giving me that kind of attitude, missy? May I remind you that I told you a hundred times already that you should postpone your departure but you didn't listen!" He said, his veins is popping out of his neck because of frustration and refraining from shouting.


Dance The Pain Away Where stories live. Discover now