29

6.3K 198 31
                                    

Beach

Nandito kami ngayon sa beach na pagmamay-ari ng lola ni Cyler. Kumpleto kami at kasama namin si mommy Andra ko pero lq kami dahil nagtatampo ako, nakipagdinner ba naman kasama si espasol nang hindi sinasabi sa'kin? Aba, papayagan ko naman siya e kaya bakit pa kailangang i-lihim? Kung gusto niya edi sinamahan ko pa siya, willing naman ako.



"Guys, laro tayo." Biglaang sabi ni Khaios na agad namang sinangayunan ng iba.



Naka-palibot kasi kami sa isang malaking lamesa habang nag-iinuman, katabi ko sa left side si Harm at sa right side naman ay si Elara.



"Anong laro?" Tanong ni Aldriana.



"Trivia questions about Disney." Nakangising sabi nito.



"Game!" Sabay-sabay na sigaw nila.



"Sinong una?" Tanong ni Ried.



"Spin the bottle, kung kanino tumapat siya ang tatanungin." Kibit-balikat na sagot ni Khaios.



Himala at mukhang gumagana ang utak ng abogagong 'to?



"Sige, ikutin mo Kyshin." Utos ni Ried kay Kyshin na agad naman nitong sinunod.



Pina-ikot na nga nito ang bote hanggang sa tumigil ito at tumapat sa direksyon ni Arc na ngayon ay nakabusangot.



"What the hell? I'm not a fan of Disney!" Iritang sabi nito na ikinatawa namin.



"Kaya mo 'yan, ito ang tanong mo." Nakangising sabi ni Khai.



"Fine," napipilitang sagot nito bago tumungga sa beer niya.



"What is the name of Wendy's dog in Peter Pan?"



"What? He has a dog?" Gulat na tanong nito.



Tangina, hindi niya 'yon alam?



"Yep, and it's a she. Wendy is a girl, her dog's name is Nana." Biglaang singit ni Iana kaya napatango nalang siya.



"Next na!"



Muling pina-ikot ni Kyshin ang bote at tumigil ito tsaka tumapat kay Cyler na ngayon ay parang inosenteng bata na nakatingin kay Khaios at naghihintay sa tanong.



"How many brothers does Prince Hans of the Southern Isles have in Frozen?"



"Tanga ka," biglang sabi nito kaya ma-dramang napahawak si Khai sa dibdib niya na ikinatawa namin.



"Nagtatanong lang naman ako..." Kunwari'y nagpupunas pa ito ng luha.



"Si Seven lang ang pamilya ni Hans, gunggong!" Binatukan pa siya nito kaya mas lalong lumakas ang tawa namin.



"Love, it's Sven and it's Kristoff not Hans. Magkaiba silang dalawa, si Hans ang prinsipe at mayroong maraming kapatid." Paliwanag ni Athiane habang bahagyang tumatawa rin.



"Oh, so the answer is 2?" Patanong na sagot nito.



"Wrong, the answer is eleven." Binatukan agad ni Harm si Ried dahil sa sinabi nito.



Isa ring tanga.



"Aray ko naman, Luan baby." Nakangusong sabi nito.



"The correct answer is twelve, stupid." Masungit na sagot nito bago muling tinungga ang hawak niyang bote ng beer.



Dance The Pain Away Where stories live. Discover now