30

6.1K 212 27
                                    

Mission



Isang buwan na ang nakalipas simula noong nagpunta kami sa beach ng lola ni Cyler. Andaming nangyare sa loob ng isang buwan na 'yon katulad nalang ng pag celebrate namin ni mommy Andra ng monthsary namin at ang mga mission na ginawa ko kasama ang Twilight.



"I'll go home late again later, babe." Sabi nito habang kumakain kami ng agahan.



Napatigil ako sa pagsubo dahil sa sinabi niya at nginitian siya tsaka bahagyang tumango dahil alam ko namang abala talaga siya at sanay na rin akong late siya umuwi. My girlfriend is a doctor so it's understandable that she's not always beside me because other people might need her too especially the ones who have illness, just like her patients.



"I understand, just make sure to take care of yourself and eat properly." Nakangiti ngunit seryosong sabi ko.



"You too, eat on time." She said before we continued eating while talking about what happened yesterday.



We didn't have the time to talk last night because she came home late and I was already asleep when she got home.



Maya-maya lang ay umalis na nga siya kaya ako na ang naglinis at nag ayos ng mga pinagkainan namin. Abala ako sa pagwawalis nang biglang tumunog ang cellphone ko at nakita kong si Cyler ng tumatawag kaya agad ko itong sinagot dahil paniguradong isang misyon na naman 'to at tama nga ako.



"Uy, good morning." Bati ko sakanila pagdating ko sa UH.



"Good morning, Ari."  Masiglang bati nilang lahat maliban kay Ried na himalang nakatulala at wala sa sarili.



Lumapit ako sakanya at akmang kakausapin ito nang biglang nangibabaw ang malamig na boses ni Cyler kaya agad kaming umayos.



"Let's start." Anong nangyare at mukhang magkapareho ang aura nilang dalawa ng Pula?



Inilibot nito ang tingin sa buong lugar at biglang nagtanong. "Where's Harmony?"



Dahil sa tanong niya ay nilibot ko rin ang tingin ko at nakitang wala nga si Harmony at bakante ang upuan nito at maging ang upuan ni Sirene.



"No one knows." Walang buhay na sagot ni Ried.



Something is off.



"Don't look at me like that." Matamlay na sabi nito nang bigla siyang tiningnan ng mariin ni Cyler.



"Let's get back to business." Seryosong sabi ni Cyler kaya muling napunta sakanya ang atensyon namin.



"Tonight, we'll go to Mr. Samuel's townhouse and casinos, so you have to be ready." Sabi nito na tinanguan lang namin.



"Khaios and Khaion you'll stay here to monitor the surrounding of the townhouse and casinos while all of us will sneak in, all the girls and Lex will be divided into two." Sabi nito at nagsimula na nga siyang magsabi kung ano ang plano namin hanggang sa natapos kami.



"Saan dadalhin ang perang makukuha? Dating gawi ba?" Tanong ni Arc.



"Yes, we'll divide the money into five and give all of it to the church and orphanages." Sagot naman ni Aldriana.



"It's settled, then? Ten pm sharp." Walang emosyong sabi nito bago dahan-dahang tumayo.



"Meeting adjourned."



Pagkatapos ng meeting namin ay nag pasya akong mag takeout ng pagkain galing sa Jollibee dahil gusto kong makasama kumain ang asawa ko. Nag order lang ako ng Family Meal set A na mayroong eight pieces Chickenjoy Bucket, apat na rice dahil matakaw ako, apat na sides, apat na sundaes at apat na drinks which is iced tea at pineapple juice.



Dance The Pain Away Where stories live. Discover now