13

5.9K 245 59
                                    


Golden Scenery  


Nandito kami ngayon sa kubo habang tahimik na naka-upo at naghihintay sa tawag ni Sirene dahil bigla nalang nag walk out si Cyler. Death anniversary pala ng kakambal niya kaya nagkaganon tapos biglang nag layas.

"May kakambal pala si Cyler." Lutang na sabi ni Kyshin.

"True, akala ko kasi first child lang siya." Sabi naman ni Crest.

"Bobo, anong first child?" Kunot noong tanong ni Ried.

"Yung nag-iisang anak lang." Sagot ni Crest.

Putangina, first child ang gago.

"Bobo ka, one child 'yon." Natatawang sabi ni Kyshin bago binatukan si Crest.

Isa ring gago.

Lumapit ako sakanilang dalawa at buong lakas silang binatukan na ikinadaing nila pareho habang natawa nalang ang mga kasama namin.

"Mga tanga, only child 'yon." Pigil ang tawang sabi ko.

"Oh, mas malapit sa'kin." Mayabang na sabi ni Kyshin.

"Putangina, tama kana Kyshin." Namomroblemang sabi ni Ried.

"True, i-tigil mo na 'yang pag-kain mo ng tsokolate tangina hindi ka naman tumatalino." Sabi naman ni Khaion kaya natawa nalang kami.

"Gago, diba mani yung nakakatalino?" Kunot noong tanong ni Khai kay Khaion.

"Peanuts nga, pero sabi nila pwede rin sokolet." Tumatangong sagot ni Khaion kay Khai.

Akala ko pang pa hyper yung chocolate, tanginang 'yan.

"Tangina!" Biglang sigaw ni Ried kaya halos mapatalon kami sa gulat.

Walangya.

"Why the hell are you shouting, Coronel?!" Galit na tanong ni Harm.

"Na-scam ako." Nanlulumong sabi nito.

"Gago, bakit?" Nagtatakang tanong ni Kyshin.

"Mani at tsokolate pala nakakatalino, sabi sa'kin ni lola dati gulay raw 'yon kaya panay kain ko ng gulay noong bata pa ako." Humagalpak kami ng tawa dahil parang maiiyak ang itsura niya.

Punyeta.

"May klase pa tayo, Kyshin." Sabi ko bago tumayo.

Si mommy ang naka-schedule, hindi pwedeng absent ako.

"Oo nga pala, si Prof. Russo pa naman ang naka-schedule saatin ngayon." Sabi ni Crest bago kinaladkad palabas ng kubo si Kyshin na busy sa pag-kain ng chocolate.

Napatingin ako kay Harm na busy sa pangbabara kay Ried na hinaharot na naman siya kaya napailing ako.

"Harm, I'll go ahead na." Paalam ko sakanya kaya napatingin ito sa gawi ko.

"Sure, take care." Tinanguan pa ako nito bago ako tuluyang tumalikod.

Kailangan kong magmadali ayokong makasabay si Khai–

"Ari, saglit!" Punyeta.

"Ano?" Tanong ko.

"Sabay ba ako sa'yo, hindi kita aasarin pramis." Nakangiting sabi nito kaya wala akong nagawa kung hindi tumango.

Tahimik na naglalakad lang ako habang itong kasama ko naman ay daig pa ang kakandidatong vice president.

"Bakit mukhang bad mood ka?" Biglang tanong niya.

Dance The Pain Away Where stories live. Discover now