33

6K 219 120
                                    

Another Nightmare


Pangalawang araw ko na rito sa France at bukas na gaganapin ang kasal ng pinsan ko. Hindi ko alam kung sino ang pakakasalan ng tarantandong 'yon at hindi na rin ako nagtanong dahil wala naman akong pakealam at wala rin akong mapapala.


"Ari, kahapon kapa tulala." Walang ganang binalingan ko ng tingin si Castiel.


"What do you want?" Pigil inis na tanong ko.


"Your grandmère asked me to come here because she was worried." Natigilan ako dahil sa sinabi niya.


"Bakit? Wala naman akong tama ng baril at mas lalong wala akong saksak." Walang kwentang sagot ko.


Inis na napabuga ito ng hangin. "Do you want to get drunk?" Tanong niya.


"Libre mo?" Interesadong tanong ko.


"Sure." Agad akong tumayo dahil sa sagot niya.


"Where are you going?" Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya.


Bobo talaga 'tong abogagong 'to.


"Sabi mo iinom tayo? Ikaw ata lutang saating dalawa e." Iritang sabi ko na ikinatawa niya.


"Tara na, high blood ka naman agad." Tumatawang sabi nito bago ako inakbayan.


"Feeling close ang gago." Bulong ko.


"Saan tayo iinom?" Bobong tanong niya.


"Try natin sa simbahan." Sarkastikong sagot ko.


"Pwede naman, holy water inumin natin para kahit papano ay mabawasan kasalanan mo." Tumatango pang sabi nito na ikinairap ko.


"Siguro brokenhearted ka ulit kaya high blood ka." Nang-aasar na sabi niya kaya buong lakas na siniko ko siya sa tiyan na ikinadaing nito.


"Putangina mo," malutong na mura ko bago naunang naglakad.


Habang naglalakad sa mahabang pasilyo ay bigla kong nakasalubong si grandmère kaya napahinto ako sa harap niya at bahagyang yumuko.


"Alpheus, can we talk?" Tanong niya.


"Sure, ma'am." Agad na sagot ko.


Tahimik kaming naglalakad patungo sa pribadong library niya hanggang sa bigla siyang tumikhim kaya nagtatakang napatingin ako sakanya.


"How are you feeling? Are you sick?" Tanong niya.


"I'm perfectly fine, ma'am." Peke akong ngumiti.


"Your smile looks fake." Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi niya.


Hindi na ako nag-abalang sumagot pa hanggang sa tuluyan na kaming makarating sa tapat ng library niya at pumasok dito.


"What are we going to talk about?" I politely asked.


"It's about Zoraen Cepheus," agad akong sumeryoso dahil sa sinabi niya.


"She's in good hands and safe place." Saad ko.


"When will you bring her here?" She asked.


"Next week, uuwi ako sa pilipinas para asikasuhin ang mga dapat asikasuhin pagkatapos ay dito na kami mananatili." Napasinghap siya dahil sa sinagot ko at hindi makapaniwalang tiningnan ako.


Dance The Pain Away Where stories live. Discover now