15

6.1K 246 153
                                    


Fiancée


Tulalang naka-upo lang ako rito sa sofa sa living room ng mansion ni grandmere habang hinihintay na i-ready ang private jet na sasakyan namin pabalik ng pilipinas dahil mayroon na akong pasok bukas.


Oo namin, dahil kasama ko ang abnormal na lalaking 'to.


"Rius, sa bahay mo ako titira pansamantala." Biglang sabi niya.


Makikisabay lang talaga siya papunta ng pilipinas dahil kuripot ang gago mahal daw ang gasolina ng eroplano.


"Sure, bakante naman 'yong garage." Tumatangong sabi ko.


"Garage?!" Gulat na sigaw niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.


"May reklamo ka, Raven Castiel?" Walang emosyong tanong ko.


"Sabi ni Lady Adelaide maraming bakanteng kwarto sa bahay mo." Nakangusong sagot nito.


Asarin ko nalang kaya ang madaldal na 'to? Tama tama.


"Oh, pwede ka pala sa maid's quarter." Pilit seryosong sabi ko.


"Pucha, mag re-rent nalang ako ng apartment." Nakasimangot na sabi nito.


"Apartment? Ayaw mo sa five star hotel? Siraulong 'to para dalawang araw ka lang sa pilipinas." Hindi makapaniwalang sabi ko.


"Ang mahal kaya doon." Reklamo niya.


"Punyeta, sa yaman mong 'yan? Kahit bilhin mo buong hotel kakayanin mo, tanga." Inis na asik ko.


Patuloy parin siya sa pangungulit sa'kin habang ako naman ay abala sa paglalaro sa cellphone ko para libangin ang sarili.


It's been two days since she rejected me, I feel like I was back to being the old Anari again before I met Harm.


"Jeune femme, the private jet is ready." Biglaang sulpot ni Bastien kaya agad akong tumayo at naglakad palayo.


"Rius!" Rinig kong tawag sa'kin ni bading.



"Parang others iniwan ako." Nakangusong sabi niya.


Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso sa loob ng sasakyan ko para magmaneho papunta sa airline na pag-aari ni grandmere. Pagpasok ko ay akmang paandarin ko na ito nang biglang bumukas ang passenger seat at pumasok ang abnoy.


"Pasabay, mahal ang gasolina ngayon sa kotse."


Putanginang gago.


Nakasimangot na nag maneho ako papunta sa airport habang walang tigil sa pagsasalita ang lalaking abnoy na nasa tabi ko.


"Then, she said-"


"Say one more word and I will kick your ass out of this car." I cut him off.


Kaagad itong umayos ng upo at umaktong pang nag zip ng bunganga niya kaya napailing nalang ako at nagpatuloy sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa airport.


"Matutulog ako, subukan mong mag ingay." Pagbabanta ko sakanya.


"Si Tiel, tahimik lang." Kinakabahang sagot nito kaya napairap ako at diretsong pumasok sa private room ko rito.


Hinubad ko ang suot kong hoodie bago pabagsak na humiga sa kama at ipinikit ang mata.


"I don't like you, Fuego. And I will never like someone who have dirty hands."

Dance The Pain Away Where stories live. Discover now