24

6.9K 247 35
                                    


A Date


Nandito kami ngayon sa kubo dahil walang pasok kasi kailangan namin gumawa ng plano para sa darating na Halloween Party ng buong REU at dahil last na year namin 'to ay nag-iisip kami ng maganda pakulo para naman exciting.


"Ang gulo mo Kyshin, tangina ka." Naiinis na singhal ni Crest dahil puro katangahan lang ang sinasabi ni Kyshin.


"Mas magulo kapa sa bulbol, Ky." Dagdag ni Ried kaya natawa kami.


Sa karamihan ba naman kasi ng magulo yung bulbol pa talaga ang napili niya kinginang 'yan.


"Yung maayos na suggestions lang ang tatanggapin ko." Napapailing na sabi ni Sirene.


"Wala pumapasok sa utak ko, putangina." Problemadong saad ni Khaios habang naka-dukmo sa lamesa.


"Tangina, halika mag Valorant nalang tayo sa comshop." Pag-aaya ni Kyshin kaya agad akong tumayo.


"Tara." Ngiting-ngiti na sabi ko.


"Counterstrike lang marunong ako." Biglang sabi ni Crest.


"Edi Counterstrike laruin natin." Kibit-balikat na sagot ni Khaion.


"Sige, tara." Isa-isa naming sinukbit ang bag namin.


Walo lang kami dahil hindi sumama ang iba so bale si Kyshin, ang kambal, si Kyshin, Crest, ako, Harm at Ried lang ang kasama papuntang computer shop.


"Saang computer shop tayo?" Tanong ni Khai habang naglalakad kami papunta sa parking lot.


"Tambayan Net." Sagot ko kaya isa-isang napatingin sila sa'kin.


I frowned. "What?"


"Bakit alam mo 'yon? Gago, palagi kang nandoon no?" Mapanuring sabi ni Ried.


"Naligaw ako noong third year tapos saktong sa tapat ako ng comshop na 'yon napadpad kaya tumambay muna ako roon habang hinihintay si Bastien." Mahabang paliwanag ko na ikinatango nila.


"May silbi rin pala katangahan mo minsan, no?" Nang-aasar na sabi ni Kyshin kaya inirapan ko siya.


"Kaysa naman sa katangahan mong walang dulot sa mundo." Natawa sila dahil sa sinabi ko habang sumimangot naman ang Kyshin.


Pagdating namin sa parking lot ay kaniya-kaniyang sakay kami sa sasakyan namin at dahil ako ang may alam ng daanan ay ako ang nasa unahan. Sana lang ay hindi ko makalimutan na sabay kami ni mommy na uuwi mamaya dahil sakaniya parin ako nakatira hanggang ngayon.



"Ang astig naman dito may VIP." Namamanghang sabi ni Ried pagpasok namin.


May tatlong floor kasi rito sa comshop na 'to. Ang una at pangalawang palapag ay para sa lahat ng gustong maglaro katulad ng mga bata at tambay o kaya naman ay mga estudyante sa malapit na pampublikong paaralan, ang pangatlong palapag naman ay kailangan mayroon kang VIP card bago ka makapasok dahil kailangan mong i-tap 'yon sa screen sa elevator na nasa baba ng buttons.


"Saan galing 'yang VIP card mo, Ari?" Tanong ni Harm.


"Regular ako rito e tapos palaging malaking halaga ng pera pa ang hinuhulog ko sa account ko." Sagot ko na ikinatango niya.


Malaking halaga ng pera as in 150 pesos, malaki na diba?


Dito kasi sa comshop na 'to ay hindi pwedeng hulugan ng isang piso o kaya naman ay bibigyan ka lang ng parang timer at kapag gusto mo na umuwi kahit hindi pa ubos ang oras, once na pinatay mo ay wala kanang babalikan. Sa comshop na 'to ay kailangan mo muna magpagawa ng account sa counter at loloadan mo ng kahit limang piso upang magkaroon ng laman para makapag-log in ka sa account na pinagawa mo, nagustuhan ko rito dahil kahit limang minuto nalang ang natitira ay kapag iniwan mo at binalikan mo ng kahit sampong taon na ang nakalipas ay nandoon parin yung limang minuto na 'yon.


Dance The Pain Away Where stories live. Discover now