00: Once Upon A Time

1K 94 10
                                    

00: Once Upon A Time

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

00: Once Upon A Time

"ALWAYS HAVE COURAGE and be kind..."

Once upon a time, my beloved mother left those exact words while lying on her deathbed. She was the sweetest, kindest, and also the bravest person I have ever known. I will promise to live up to her last words no matter how hard life might get.

Nang mawala si nanay ay pinayagan ko si tatay na magpakasal muli matapos ang tatlong taon. He asked me if he can get married again. He said that if I don't agree, he will respect my decision because I am the most important to him after all. I smiled at him and told him to get ready for the wedding. Ayokong maging selfish. Tatay deserved to be happy, too, even after nanay was gone. I also felt that tatay was lucky to find a second chance at love, so I don't want him to miss it.

Nakakatuwa dahil ang stepmother kong si Tita Helga ay may naunang pamilya na rin kaya kasama niyang lumipat sa mansyon namin ang fraternal twins na sina Zennia at Oliver na kasing-edad ko lang din. Kahit na ang suplada ni Zennia at ang pilyo naman ni Oliver ay naging masaya ang pagsasama namin. Iyon nga lang ay naaksidente ang private plane na lulan ni tatay kaya naiwan na kaming apat sa mansyon.

Doon ko rin nalaman ang tunay na ugali ni Tita Helga. Unlike the bitchy Zennia, Tita Helga appeared to be indifferent with her eyes as cold as ice, but she is certainly wicked. She took all of my inheritance. Gulong-gulo ako sa kung paano nangyari iyon kasi sa pagkakatanda ko ay iyong dokumentong nagsasabi na si Tita Helga muna, bilang guardian ko, ang magma-manage ng asukarera namin habang wala pa ako sa wastong gulang no'n pero... pero bigla na lang niyang ipinakita sa abogado namin ang pirmadong dokumento ko na nagsasabing ipinapasa ko na sa kanya at sa kambal ang lahat ng mga minana ko, leaving me with only the savings tatay secretly left for me. Kami lang dalawa ang may alam no'n, kahit na ang abogado namin ay walang ideya roon kaya hindi nila iyon nagalaw.

Pinalipat din ako ng stepmother ko sa quarters ng mga katulong at nanilbihan rin sa mansyon. Hinayaan ko sila sa gusto nilang mangyari. Basta ang mahalaga ay narito pa rin ako sa tahanan namin. Sa kabila ng lahat ng nangyari at trato nila sa akin ay nanatili akong matatag at mabuti gaya nang gusto ni nanay.

I sat up when my alarm rang. I stretched my arms and waved them up in the air while Taylor Swift's song entitled Mean was playing. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at mas nag-inat-inat pa ng katawan bago bumangon.

"Good morning, Olly."

I smiled at Nanay Sita, my favorite tagapag-alaga since I was five, and greeted her cheerfully, "Good morning po, Nanay Sita!"

Nakabihis na siya kaya agad na rin akong kumilos at in-off ang alarm ko saka nagbihis na. Baka gising na iyong mga bruha. Kailangan ko nang maghanda para sa panibagong araw na naman ng pang-aalipusta nila. Mabuti na lang at marami akong baong courage and determination. Sa sobrang lakas ng mga iyon ko ay natiis ko sila hanggang sa wakas ay nakapagtapos na rin ako sa kursong Bachelor of Fine Arts major in Fashion Design last week. Mabuti na lang at nandoon si Nanay Sita upang magsuot ng aking medalya. Kung hindi niyo naitatanong ay Summa Cum Laude lang naman ang inyong lola.

The Fairy Oddventure of OlympiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon