23: The Fairy Godmother Lectures on Limitations

317 44 1
                                    

23: The Fairy Godmother Lectures on Limitations

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

23: The Fairy Godmother Lectures on Limitations

HABANG NAKAHIGA PATAGILID sa kama ko ay pinagmasdan ko ang singsing na iniregalo sa akin ni Cosmo. Nakakatwang isipin na kahit hindi niya alam na birthday ko kahapon ay may paregalo siya. He unknowingly purchased it on my special day just because the ring made him think of me. What a cute coincidence—

There is no such thing as a coincidence in this world, Olly. There is only the inevitable. What is meant for you will always find you.

Napangiti ako nang maalala ang mga katagang iyon mula kay Ina Dabria. His unexpected purchase that served as his gift on my birthday was not a coincidence at all. Kasama no'n ay inaamin ko rin na ang kakaibang pintig ng puso ko sa bawat haplos at ginagawa niya ay hindi lang bastang nagkataon. I must admit that they mean something, too.

Narinig kong malakas na bumukas ang pinto ng bedroom ko. Hindi ko man makita kung sino iyon dahil nakatalikod ako roon, parang may ideya na ako sa paraan pa lang ng pagkakabukas no'n.

"Wala ka ba talagang balak bumangon d'yan, Olly? Tanghali na at may trabaho ka pa. Hindi ganyan ang ugali ng isang fairy godmother," pangaral ni Nanay Cosmo sa akin.

Bumangon na ako paupo sa kama ko saka nag-inat ng mga braso ko. Pagbaling ko sa banda niya ay inilalapag na niya ang almusal ko sa ibabaw ng chabudai, the short-legged table most commonly used in traditional Japanese homes.

"Kumain ka na at magbihis saka tumungo sa confessional. Mukhang marami kang wisher ngayong araw," aniya.

Namilog naman ang mga mata ko roon. I was both surprised and happy, of course. Unti-unti na nila akong dinarayo rito. Bigla tuloy akong ginanahan magtrabaho.

"Mga ilan?" tanong ko pa kay Cosmo.

"Dalawa."

Ay... pero hindi bale na, basta may progress. Mula sa zero to one noon, naging dalawa na ngayon. Sana talaga ay matulungan ko sila. Pagkatapos kong kumain ay dali-dali akong naligo at nagbihis. I put some cheek and lip tints on, then proceeded to the confessional to meet my first wisher of the day.

My first wisher was a Cat Spirit. Nabatid ko agad ang matinding emosyon na ikinukubli niya sa likod ng mga mata niya. She had this particular calm look on her face but a raging storm in her eyes. Mabilis na sinuyod ko ng tingin ang kabuuan niya habang paupo pa lamang ako sa pwesto ko. Kahit na sobrang kalmado ng itsura niya ay hindi rin nakatakas sa akin ang mahigpit na pagkakakuyom ng mga kamao niya. Aside from that strange glint in her eyes, her pupils were constricted, and the direction to where she was looking at was at her upper left. She was visually remembering something, probably a not-so-good memory.

Ngumiti ako sa kanya nang makaupo na ako nang tuluyan saka ipinakilala ang sarili ko, "I am Olympia Sharlene Sagrado, the fairy godmother of Batibot. Anong maipaglilingkod ko sa iyo?"

The Fairy Oddventure of OlympiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon