06: The Fairy Godmother Meets Her First Wisher

374 44 2
                                    

06: The Fairy Godmother Meets Her First Wisher

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

06: The Fairy Godmother Meets Her First Wisher

"I AM OLYMPIA Sagrado, ang bagong fairy godmother niyo, at handa nang maglingkod sa inyo. Let's make your wish come true."

Pagkatapos kong magpakilala ay binalot kaming lahat ng katahimikan. Napawi iyong ngiti ko dahil sa kaba na baka ay may nasabi akong mali o hindi nila nagustuhan. Mayamaya pa ay binasag na ng isang gahiganteng rock spirit ang katahimikan nang bigla siyang bumunghalit ng tawa.

"Ikaw? Bagong fairy godmother?" natatawang tanong niya. I really do not understand what was so funny because he even had to hold his big tummy while laughing out loud. "Anong klaseng biro 'yan, tao?"

"Bukod sa mang-istorbo at manira, mahilig din pala kayong mga mortal na magbiro," dagdag ng isa pa na natitiyak kong sa hitsurang mukhang puno pa lang niya ay alam ko nang isang forest spirit.

Through visual descriptions and representations, Cosmo and my spirit guardians introduced me quickly to the kinds of spirits that usually visit the Batibot yesterday. Kaya medyo pamilyar ako sa kanila ngayon dahil natatandaan ko pa ang mga katangian nila na ibinahagi sa akin ng tatlo kong kasama.

"Walang kwenta..."

"Umalis na tayo."

"Huwag, kumain at bumili na lang muna tayo ng mga kailangan natin dito saka tayo umalis,"

"Oo nga, hindi naman natin kailangang humiling sa kanya para makapasok. Nagdududa nga ako kung kaya niya bang magtupad ng hiling natin gayong isa lang siyang hamak na mortal."

Pinakinggan ko nang walang imik ang mga bulong-bulungan at tahasang komento nila sa akin. My spirit guardians looked at me worryingly. "Lady Olympia, ayos lang po ba kayo?"

Tumango ako at ngumiti sa kanila. "Ayos lang ako. Maghanda na kayo at magbukas ng shop. Mukhang marami-rami tayong mga shopper ngayong araw."

"Opo, Lady Olympia."

Pumasok na silang muli sa loob ng Batibot upang igiya ang mga spirit at soul. Nasalo ko naman ang seryosong tingin ni Cosmo sa akin na nasa may tabi at nakahalukipkip pa rin.

He did not even come in my defense despite him being my familiar... Marahil maging siya ay walang tiwala at bilib sa akin na magagampanan ko nga ang tungkulin ko bilang fairy godmother. Nakakalungkot pero ayokong ipakita sa kanila iyon. Ayokong sumuko agad nang hindi napapatunayan ang sarili ko.

Being entrusted with such a responsibility made me feel truly special. Kung iyon ang pakiramdam at pananaw ni Ina Dabria sa akin ay ayokong sayangin iyon. I do not want her to get disappointed with her choice and with me. I want to prove to them that I am worthy, so I will not give up, no matter how hard it is or whether they believe in me or not.

I smiled at Cosmo and said, "Maghihintay na lang ako sa confessional ng mga hihiling."

Buong akala ko ay may susubok kahit isang spirit o soul man lang na humiling sa akin kaso ay inabot na ako ng ilang oras kauupo sa confessional pero wala man lang ni isa ang lumapit sa akin.

The Fairy Oddventure of OlympiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon