40: The Fairy Godmother Cleanses A Haunted House

329 53 9
                                    

40: The Fairy Godmother Cleanses A Haunted House

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

40: The Fairy Godmother Cleanses A Haunted House

IT HAD BEEN a year since Cosmo and I officially became a couple. Simula rin nang nabanggit ko sa liham ko kay Lady Aurora ang tungkol doon ay hindi na siya muli pang tumugon sa mga ipinapadala ko. Sa sobrang tuwa ko sa nangyari ay nakalimutan kong may nararamdaman din pala siya kay Cosmo. Stupid, stupid, stupid me. Napasama ko siguro ang feelings ng tiyahin ko. But looking on the bright side, I do not have to hide anything from her anymore because I already told her about it.

I was not supposed to accept any wishers today per Cosmo's instruction. May delivery kasi siya ngayon sa Yonder at gagabihin pa siya ng uwi. Isa sa mga kondisyon niya bago naging kami ay dapat isama ko siya sa mga wish-granting spree ko dahil kahit hindi ko na siya familiar ay responsibilidad niya pa rin akong protektahan at siguraduhing ligtas bilang girlfriend niya. Pati atay ko tumibok ata sa kilig dahil doon.

Iyon nga lang ay nabali ko today ang promise ko dahil iyong wisher ko kasing matandang kaluluwa ngayon ay sobrang apurado dahil kailangan na raw niyang tumawid sa Liwanag bukas. Nais niyang masaksihang matupad ang hiling niya bago mangyari iyon. He introduced himself as Lolo Tiburcio, or Lolo Tiburs for short.

"Shall I grant your wish then?"

"Please help me expel all of the ghosts in our ancestral home. Malaki ang market value no'n kung hindi lang naging isang haunted house at malaking tulong na ang halagang iyon sa pamilya ng unico hijo ko. I want to thank them for taking care of me until my last breath through it. Kahit walang-wala rin sila ay kinalinga nila ako nang walang panunumbat. So please, fairy godmother, help me," taos-pusong pagmamakaawa niya.

I smiled at him and nodded. Apart from his good reasons for doing so, I think a haunted house visit would be an exciting thing to do.

"Consider it done, sir," I told him.

Pagkaalis ni Lolo Tiburs ay kaagad na akong tumayo upang tunguhin ang kwarto ko. Habang naglalakad ay tinawag ko si Momo na mabilis namang lumusot sa pader at tumabi sa akin.

"Bakit po, Lady Olympia?"

"Dumating na ba si Cosmo?"

"Hindi pa po. Gagabihin daw po siya ng uwi dahil sa dami ng deliveries niya," paliwanag niya.

"Good. Gusto mo bang mag-home tour?" Sa isang haunted house.

"Talaga po, Lady Olly?! Sige po! Sige po!" tuwang-tuwa naman niyang tugon. "Lezzgo!"

I took my black umbrella and put on my black cloche hat before going to the garage with Momo to get our kalesa ride. Ewan ko ba at naaaliw at excite talaga ako sa usapang haunted house. Pakiramdam ko ay forte ko talaga ang spirit and soul dealings. Hindi nga coincidence na pinili ako ni Ina Dabria para sa trabahong ito.

"Handa ka na ba, Momo?" tanong ko sa main shikigami kong nasa tabi ko.

Pareho kaming nakatayo sa may tapat ng isang abandonadong mansyon. Matibay pa rin ang mga kolum no'n at haligi kahit na mukhang napabayaan na sa loob nang matagal na panahon. Kupas na rin ang mga pintura no'n. The gate was wrought-iron and already covered with vines. The unkempt statues of baby angels with the fountain in the front yard even augmented the place's creepy atmosphere.

The Fairy Oddventure of OlympiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon