20: The Fairy Godmother Feels Unwell

316 38 1
                                    

20: The Fairy Godmother Feels Unwell

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

20: The Fairy Godmother Feels Unwell

"I am sorry, honey. You have to do all of this at such a young age."

"Ayos lang po, nanay! Nag-e-enjoy naman po ako, e."

"Hinahanda ka lang namin ng tatay mo, anak."

"Pero, nanay, saan po ba kayo pupunta? Pwede pong sumama? Sabay po ba kayong aalis ni tatay?"

Umiiyak siya.

Umiiyak si nanay habang yakap ako.

Bakit?

Nanay...

I SLOWLY OPENED my eyes and closed them once again when they felt too heavy. Ipinatong ko rin ang kanang braso ko sa mga mata ko ng mga limang minuto upang maidlip pa saglit. Pagtunog ng alarm ko para sa panibagong araw ay bumangon na agad ako. Hindi ako pwedeng mahuli at baka may wisher ako ngayong araw. It might be wishful thinking on my part, but I will still not give up on that. Balang araw ay pipilahan din ako ng mga humihiling na espiritu at kaluluwa. Siguro ay saka pa lamang mangyayari iyon kapag nagawa ko nang makapag-transform sa ethereal form ko at magkaroon ng magic wand na tutulong sa akin sa pagtupad ng mga hiling.

Bago lumabas ng kwarto ay niligpit ko muna ang higaan ko at naglinis na rin ng buong bedroom. Nakakahiya naman kay Cosmo at baka isipin niyang inaalipin ko siya rito. Baka isipin niya ring inaasar ko na naman siya at gumanti na naman ulit siya sa akin sa maharot na paraan. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang panginginit ng magkabilang pisngi ko sa tuwing naalala ko iyong ginawa niya. Ang harot-harot talaga! Kalintik gid ah!

Hindi ko namalayan na hinahampas ko na pala ang makapal kong unan sa may kama ko dahil sa gigil. Inayos ko na lang muli iyon bago ako tuluyang lumabas at nagtungong dining room.

"Good morning..." bati ko sa kanilang lahat.

Si B2 na may dalang pitsel ng orange juice para sa brunch ay lumulutang na huminto sa tabi ko upang magtanong, "Ayos lang po ba kayo, Lady Olympia?"

I smiled and nodded my head at him. "Ayos lang ako, B2. Kailangan ko lang i-take iyong vitamins kong masarap na pagkain pagkatapos ay sisigla na ulit ako."

Tumango naman siya at hinayaan ako. Nang matapos sila sa paghahanda ng mga pagkain ay pinakisuyo ko kay Momo na tawagin na si Old Ginkgo upang makakain na kami nang sabay. Ang sarap no'ng mga luto nina Cosmo at Chica, pero kahit iyong tiyan ko ay mukhang wala ata sa mood para lumamon.

The Fairy Oddventure of OlympiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon