16: The Fairy Godmother Rescues Her Odd Familiar

351 44 1
                                    

16: The Fairy Godmother Rescues Her Odd Familiar

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

16: The Fairy Godmother Rescues Her Odd Familiar

TOTOO NGANG NAKAPAGBUBUKAS ng portal ang kalesang iyon. Habang pinapatakbo ko kasi ito ay biglang bumukas ang portal papuntang Flamia. I left Batibot in the hands of B1 and Chica for a while. Ipinangako ko sa kanilang hindi ako uuwi nang hindi kasama si Cosmo.

Buong akala ko pa noong una ay mahihirapan akong patakbuhin ang kalesa, pero nang mahawakan ko na ang tali ay maamong sumunod lang pala sa akin ang horse specter ko. Pagtawid namin sa portal ay sumara naman agad iyon.

Sinuyod ko ang paningin sa buong paligid ng Flamia. Maraming mga bulkan doon na walang tigil ang pag-aalburuto, pero tila ay hindi naman natatakot ang mga residente roon. Patuloy lang sila sa pangkaraniwang gawain nila. It was obviously because they were fire spirits. They were used to these terrifying scenes.

Pansin ko ring panay ang baling sa akin ng mga mamamayang nadadaanan ko. They seemed weirded out by me and my carriage. I could not pinpoint whether it was because of me being a human entering their place or the beautiful flowers surrounding my carriage. Pareho kasi silang nagugulat at napapatingin sa akin at sa kalesang lulan ko. Binilisan ko na lang ang patakbo papunta sa palasyo ni Emperor Jagrid.

"Ang pinakamalaking istrakturang nasa tuktok ng bundok po ang palasyo ni Emperor Jagrid. Doon din po naninirahan si Prinsesa Azula, at posibleng doon niya rin po dinala si Master Cosmo," ang paalala sa akin ni B1.

Ang lugar na tinutukoy niya ay hindi mahirap hanapin dahil agaw-pansin iyon sa unang pagtapak ko pa lamang dito sa Flamia. Binagalan ko ang patakbo ko nang mapansin ko ang isang matandang lalaki na naglalakad mag-isa sa tabi ng daanang iyon.

"Ano na naman kaya ang kalokohang pinagkakaabalahan nila roon at hindi nila ako nasunod..." bulong-bulong pa niya.

Matanda na siya kaya pansin kong medyo hirap na siya sa paglalakad at sa direksyon pa lang na tinatahak niya ay batid kong sa palasyo rin ang destinasyon niya. Hininto ko na nang tuluyan ang kalesa nang tumapat na ako sa gilid niya.

"Hello po!" tawag ko sa kanya. "Doon po ba kayo pupunta sa palasyo?"

Nangunot ang noo ng matanda nang balingan niya ako. "Oo, hija. Maaari ko bang malaman ang iyong ngalan? You are a human, but I can also feel the powers of a fairy godmother in you. What an odd presence you're giving me."

"Ako po si Olympia Sagrado. Ako po ang bagong fairy godmother ng Batibot. Hindi po kayo nagkakamali. Isa rin po akong tao," pakilala ko sa kanya ng sarili ko.

Tumango siya at winikang, "Kung ganoon ay ikaw ang nababalitang pinalit ni Dabria sa kanya."

Nahuli kong namilog ang mga mata niya nang sunod niyang ibinaling sa aking kalesa ang atensyon niya. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang reaksyon niya roon. Siguro ay nagagandahan siya sa mga bulaklak. Bagay na bagay sa aking horse specter. Although they came in contrast, they still complimented each other.

The Fairy Oddventure of OlympiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon