15: The Fairy Godmother Plans A Rescue Mission

341 38 0
                                    

15: The Fairy Godmother Plans A Rescue Mission

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

15: The Fairy Godmother Plans A Rescue Mission

COSMO WAS KIDNAPPED.

Makailang beses ko na iyong inulit-ulit sa isipan ko. Someone kidnapped Cosmo, and I do not freaking know what to do.

"B1, B2, may atraso ba si Cosmo sa ibang mga yokai?" nag-aalalang tanong ko sa mga spirit bubwit.

The message does not look like Cosmo owed them something. May my Cosmo pa silang nalalaman. Masyadong sweet, masyadong possessive, tunog in lov—hay ambot, ah!

"Who could possibly take him?" I asked again while the spirit bubwits were busy inspecting the used talisman.

"Isang uri lang po ang pwedeng magmay-ari ng talisman na ito na pwedeng gamitin ang magkabilaan," hayag ni B1 pagkatapos suriin iyon. "Ang mga Flamian po. Ang mga fire spirit na nananahan sa Flamia. Pinapaboran po sila ng mga deity, kaya po binigyan sila ng ganitong regalo."

"Sila po kasi ang may pinakamalaking hukbo kasunod sa mga demonyo na naninirahan sa Arkana. The deities thought that if they showered the Flamians with favor, they will side to them to try to defeat the Arkana army headed by the greatly feared daiyokai or the Great Demon," pagpapatuloy pa ni B2.

Right. I remembered them sharing to me about yokai and daiyokai. Yokai refers to all supernatural entities, including spirits. Ang mga daiyokai naman ay isang kakaibang uri ng yokai. They were much stronger than the common yokai. In short, sila ang pinakamalakas sa lahat ng mga yokai.

Napasapo ako ng ulo ko sa sobrang dami ng mga impormasyong dumadagdag sa problema namin ngayon. Argh, ang gulo-gulo na ng isip ko!

"May atraso ba si Cosmo sa mga Flamian na 'yan? Gusto ba nila siyang isali sa army-army na 'yan?" tanong ko sa kanila. "Bakit parang tunog may pagtingin din iyong nakasulat sa talisman kung gano'n?"

Nagkatinginan naman ang dalawang bubwit na para bang may nalalaman silang hindi ko alam.

"B1, B2, anong alam niyo" I confronted them.

Sabay pa silang napabuntong-hininga bago humarap ulit sa akin. "We think it's the Emperor Jagrid's daughter who took Master Cosmo, Lady Olympia," ani B2.

"Matagal na po kasing gustong kunin ni Prinsesa Azula si Master Cosmo bilang familiar niya at asawa. Hindi lang po talaga niya magawa iyon dahil kay Ina Dabria," dugtong pa ni B1. "Marahil ay nalaman niya pong hindi na si Ina Dabria ang fairy godmother ng Batibot at isa nang tao ang pumalit."

Iniyuko ni B1 ang ulo niya na lubos namang ipinagtaka ko. "Paumanhin po rito, Lady Olympia. Naniniwala po kami sa inyo bilang fairy godmother namin kahit na kayo ay tao man, pero marahil ay hindi po ganoon ang tingin ng ibang mga hindi nakakikilala po sa inyo. Princess Azula, knowing you're human, might not have seen you as much of a threat to her, so she seized this chance to abduct Master Cosmo."

The Fairy Oddventure of OlympiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon