19: The Fairy Godmother Deals with the Fairy Godfather for Humans

333 50 4
                                    

19: The Fairy Godmother Deals with the Fairy Godfather for Humans

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

19: The Fairy Godmother Deals with the Fairy Godfather for Humans

PAGKATAPOS KONG TULUNGAN si Cosmo sa general cleaning sa loob, labas, at buong Batibot ay naligo na ako saka nagbihis para feeling fresh ulit. Pagkatapos ko ay tumambay muna ako sa swing na pinagawa ko kay Cosmo sa may backyard. Nakapuwesto iyon sa ilalim ng lilim ng pinakamalaking puno namin dito sa may bakuran at katabi lang din ng paborito kong puno ng cherry blossoms.

Unlike the shop, my wish-granting service was not really a star among souls and spirits. Kaya isa na naman ito sa mga araw na wala ni isa ang bumisita sa akin para humiling. I breathed a deep sigh and just let myself enjoy the swing. Si Momo ang nagtutulak no'n mula sa likuran ko.

"Balang araw, Momo, pipilahan din tayo ng mga spirit at soul para humiling," I told my main shikigami with faith and conviction.

"Balang araw din, Lady Olly!" it repeated, encouraging me more. Napahagikhik tuloy ako sa tuwa at kakyutan niya.

Umihip ang malakas na simoy ng preskong hangin. The leaves rustled as they were blown by the wind. Nakapagtatakang kahit na matingkad ang sikat ng araw ay malamig iyong hangin ngayon at medyo may kalakasan din. Maybe because we were on the mountaintop, and the air here felt fresh and different.

"Sandali lang, Momo," pigil ko sa kanya sa pagtutulak ng swing nang mapansin kong tila nagkukumpol sa malapit ang mga dahong hinihipan ng hangin.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang unti-unting nag-anyong tao iyong mga dahon na iyon simula sa paa paakyat sa ulo. It revealed a very handsome man in a suit. Matangkad siya, matipuno, at napakagwapo. He had brown hair and a pair of hazel brown eyes. He smiled at me, and I thought I just saw a living prince charming straight out of a fairy tale for a second.

Windang pa rin ako kahit na naglalakad na siya palapit sa akin nang hindi inaalis ang maganda niyang ngiti sa kanyang mga labi. Nang nasa tapat ko na siya ay manghang napatingala pa rin ako sa kanya.

"You must be Lady Olympia, the new fairy godmother of Batibot," aniya.

Tumango-tango naman ako sa kanya. "Sino ka? Hihiling k—"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko sana dahil iniluhod niya ang isang tuhod niya sa lupa bago niya hinuli ang kanang kamay ko at yumukod upang halikan iyon. Shet... What iz diz?!

He looked up and smiled at me again. "Nice to meet you. I am Inoue, the fairy godfather for humans."

LORD INOUE WAS the fairy godfather for humans assigned to both Ravello and Portofino. Kumbaga, kaming dalawa ang fairy godparents na nakadestino rito sa probinsya ng Ravello at siyudad ng Portofino. Ako sa mga spirit at souls, siya naman ang sa mga buhay na mortal. If my shikigami or elements were specters, his was the earth, which encompassed the soil, leaves, and dust. Nandito siya ngayon sa Batibot upang personal na bisitahin ako.

The Fairy Oddventure of OlympiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon