01: The Fairy Godmother Comes Home

657 54 24
                                    

01: The Fairy Godmother Comes Home

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

01: The Fairy Godmother Comes Home

"B1, HINDI SIYA si Ina Dabria."

"Pero bakit ramdam nating nasa kanya ang kapangyarihan at presensya ni Ina Dabria?"

"Hindi ko rin ala—"

Dahan-dahan akong gumalaw nang marinig ang dalawang maliliit na boses na nag-uusap sa malapit.

"Hala! Gising na siya!"

"Halika na, B2. Sabihan natin si Master Cosmo na gising na siya."

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at naupo saka sinapo ang ulo ko. Anong nangyari? Sa pagkakatanda ko ay tumatakbo ako at tumatakas tapos may... may babaeng maganda na may inuusal na kung ano. Ano nga ulit iyon? Bobidubiduwap?

Idinilat ko ang mga mata ko at isinarang muli. Wala akong makita kasi pareho lang na madilim. Umiling-iling ako upang subukang alugin iyong utak at nang luminaw naman ang paningin ko pero pagdilat ko ay ganoon pa rin, madilim.

Kinapa ko ang sahig, kahoy.

Nasaan na ba ako?

Tinuko ko ang mga palad ko sa sahig and helped myself up. Hindi naman na masakit iyong ulo ko. Katunayan ay parang ang sarap pa ng tulog ko, payapa. Iyon nga lang ay bakit ang dilim dito, at nasaan na ba talaga ako?

Napaatras ako sa parehong takot at gulat nang may marinig akong tunog ng ahas. Shet... may ahas dito?

Napasigaw ako nang may bigla akong maramdaman na kung anong makaliskis na bagay na pumulupot sa beywang ko. Sinubukan kong hawiin iyon paalis sa akin sa kabila ng takot ko. Makalikis nga! Hindi ako pwedeng magkamali, ahas talaga ito. Ang laki pa! Diyos ko po!

Nagpapanik na sumigaw ako lalo nang maramdaman kong inaangat na ako sa ere no'n. Biglang nagkaroon ng ilaw at ganoon na lamang ang pamimilog ng mga mata ko sa pagkakabigla nang matanaw ko mula sa kinaroroonan ko ang isang lalaking ahas. Buntot ng ahas ang kalahati ng katawan niya na nagmumula sa beywang niya pababa. Nakapulupot ang dulo no'n sa may beywang ko at kasalukuyan akong inaangat sa ere nang walang kahirap-hirap. Anak ba siya ni Zuma at kapatid ni Galema na jowa ni Valentina? O baka naman ito na iyong nakita ni Alice Dixon sa may Robinson noon?

Tiningnan ko pa nang maigi ang kabuuan niya. He was topless and had all the muscles in their right places. Pansin ko ring may apat na itim na stripes na matulis ang dulo na parang tattoo ang nasa may leeg niya, dalawa sa bawat banda. The only things that made him less scary were the fact that he had a nice body and a very handsome face that suited so well with his shoulder-length white hair. Taliwas din sa mga taong ahas sa palabas, napakaganda ng kulay niya, puti... He was both frightening and beautiful it made him so enigmatic.

"Isa ka lamang hamak na tao?!" dumagundong na wika ng lalaki na siyang nagpabalik sa akin sa katinuan ko.

Malalim ang pagkakakunot ng noo niya habang tinititigan ako nang masama. At siya pa talaga ang may ganang magalit sa aming dalawa ha!

The Fairy Oddventure of OlympiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon