26: The Fairy Godmother Visits the Beautiful Elf Doctor

346 40 2
                                    

26: The Fairy Godmother Visits the Beautiful Elf Doctor

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

26: The Fairy Godmother Visits the Beautiful Elf Doctor

NAKA-BULLSEYE AKO SA tatlong sunod-sunod na tira ko gamit ang bow at arrow pero mukhang hindi pa rin natutuwa ang itsura ni Cosmo. Seryosong-seryoso kasi siya habang pinapanood ako at pinapaypayan ang sarili niya. Nasa may bakuran kami ngayon ng Batibot at nagsasanay for physical combat. Aniya ay babawi kami sa ibang bagay kung hindi ko magawang makapag-transform sa ethereal form ko at gumamit ng magic wand.

"Cosmo, may mali ba sa mga tira ko? All of my shots were bullseye, so what's wrong?"

Ibinaba niya ang pamaypay niya saka siya lumapit sa likuran ko at mula roon ay inayos at inalalayan niya ang posisyon ng mga kamay ko. My heart pounded at his touch. Bwisit na 'yan, baka mahalata ako.

"This is a better stance when shooting. This will also alert you to the attack coming from your behind," he instructed calmly and almost in a whisper, but my freaking heart was getting wild all the more.

Sobrang tindi ng panalangin kong hindi naman sana niya marinig ang malakas na tibok ng puso ko gayong ang lapit-lapit namin sa isa't isa. Todo rin ang pagpipigil ng mga kamay ko sa panginginig habang hawak niya ako.

"Okay," I said and moved away from him. Baka mahalata na niya kasi ako. No!

Binitiwan ko ang palaso mula sa pana at mabilis namang tumama iyon sa mismong gitna ng target board. Huminga akong malalim pagkatapos at nakangiting nilingon si Cosmo na tahimik pa rin sa likuran ko.

"So, how was my shot?" I asked him, somewhat proud of what I did.

Tinitigan niya muna ako saglit bago siya sumagot, "Go take a rest and prepare. We're going to Pareia."

"Bakit? Anong gagawin natin doon?" tanong ko at kumapit sa sleeves ng kimono top niyang pinaresan naman niya ng hakama. "Isusuko mo na ba ako kay Ina Magenta dahil sa ginawa ko?" madramang tanong ko ulit sa kanya.

"Nasisiraan ka na ba, Olly? Bakit ko naman ipapahamak ang amo ko? Isa pa, damay ako sa ginawa mo kaya hindi lang ikaw ang manganganib kundi pati na rin ako. Sino namang hunghang ang gagawin iyon?"

Napabitiw ako sa kanya nang matantong tama nga siya. "Sa bagay... Pero anong gagawin natin doon?"

"Dadalawin natin si Doktora Inamori sa tahanan ng mga elf sa Mirkwood. Papatingnan kita sa kanya. We have to find out why you still could not transform into your ethereal form."

"Okay," tumango-tangong wika ko. "Maliligo na ako at maghahanda paalis."

"And, Olly, please wear something simple that will not make you stand out among them. Wear something that will make you blend with them," paalala niya pa sa akin.

Since it was requested by Cosmo, I wore one of my most comfortable and simple hanbok dresses that was of the color green with a dainty flower embroidery I made myself. I also wore white socks under a pair of green double-strapped slippers. I just tied my hair in a ponytail and grabbed my small pack basket with a cover.

The Fairy Oddventure of OlympiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon