32: The Fairy Godmother Duels at the Coliseum

325 49 16
                                    

32: The Fairy Godmother Duels at the Coliseum

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

32: The Fairy Godmother Duels at the Coliseum

NAKATAYO AKONG MAG-ISA at hindi na nakaposas sa gitna ng napakalaking stadium na tinatawag nilang Coliseum. Sinuyod ko ng tingin ang buong paligid. Maraming mga spirit, yokai, at iba pang mga nilalang ang naroroon at malakas na naghihiyawan. Hindi rin mawawala ang mga Arowana, ang pamilya ni Lionel. They were sitting beside the biggest throne at the center, reserved for Ina Magenta. Next to her sat Lady Aurora, who seemed worried. Si Ina Magenta naman ay blangko lang ang itsura. The Queen of all Fairies has ageless beauty as well as great strength, which I can feel even from afar.

Sumunod naman kay Lady Aurora si Lord Inoue na nginitian ako sabay angat ng champagne glass nito. I smiled at him, too. Hindi naman masamang maging friendly sa mga hahatol sa iyo. They were joined by the other fairy godmothers assigned to various places. Naispatan ko rin si Doktora Inamori sa hanay ng mga elf na naroroon. She had brought with her a bowl filled with water for her goldfish. Pinipigilan man niya ay kababakasan pa rin ng pag-aalala ang itsura niya. I smiled at her to reassure her. Napansin ko ring katabi ng mga maharlikang Arowana sina Emperor Jagrid at Princess Azula na inismiran naman ako at tinaas ng kilay.

Sunod namang pinapasok ng mga Seelie Guard ang mahigpit na nakaposas na si Cosmo. Buong katawan niya ay balot upang siguraduhing hindi siya gagawa ng kahit ano para subukang iligtas ako. Mas maigi nga iyon.

Namilog ang mga mata ni Cosmo pagkakita niya sa akin. "Olly! Olly, umalis ka r'yan!" sigaw niya.

He could not use his hands since they were heavily sealed, so he jumped instead to get close to me, but the sacred word-binding spell I used earlier dragged him back to his initial place and away from me.

"Olly!" galit na galit na sigaw niya. Dinamihan pa ang mga Seelie Guard na nagbabantay sa kanya upang pigilan siya.

Lady Aurora looked really worried while the whole ordeal was transpiring. She whispered something to her female familiar, who nodded her head and suddenly disappeared. Mukhang may ipinag-utos siya rito. I will be counting on her for Cosmo's safety.

Nagpakawala ako ng buntong-hininga at hinanda na ang sarili ko. Everyone shouted their boos and excitement to witness my demise.

"Patayin na 'yan!"

"Amin na lang ang maiiwan niyang piraso! Ang bango ng espiritus vitae niya! Amoy na amoy namin dito!"

"Serves her right!"

"Wala kang kwenta!"

"Die, human fairy godmother! Mamatay ka na!"

Inagaw ni Lord Inoue ang atensyon naming lahat dahil ang mga salita niya ang bukod tanging naiiba sa maingay na Coliseum na iyon.

"Go, human fairy godmother! You have my bet. Give us a good show," aniya na may pilyong ngisi sa mga labi niya bago sumimsim sa hawak niyang champagne glass.

The Fairy Oddventure of OlympiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon