Chapter 4: Rest in Conscience

276 15 3
                                    

Umuwi ako ng bahay nang sinalubong ako ng bwisit na kapatid ng aking My Traigan. Alam naman ng lahat na she's against my relationship with her step brother but then she's just a step daughter of an asshole!

Muli kong hinawakan ang malaking ribbon sa aking buhok na nakataling mala-Chitoge ito, ang isang anime girl na nakataas lamang ang laso sa maganda nitong buhok na may dating.

"Anong kailangan mo nanaman, Slats?" Mala-pikon na hirit ko sa kanya nang umungol ito sa inis, "Oh, don't call me that."

Ayaw kasi nitong tinatawag siya sa pangalang iyon, dahil sa kaartehan nitong ang mga kaibigan lang daw niya ang may karapatang tumawag sa kanya ng gano'n. Bumuntong hininga na lamang ako sa kanyang kaarte-han.

"Slatie, oh. Anong problema mo?" Dahil madalas ko siyang inisin, at ikinatutuwa ko naman iyon dahil ang mga pagkakamot nito sa inis sa tuwing kaharap ako nito ay para akong nanunuod ng isang show kung saan nadadala ang mga pranks sa kanila.

"Si Kuya, tinatago mo ba rito?" Mariin na tanong naman nito nang napalayo agad ang mukha ko sa tonong pagalit ng kanyang pananalita. "Tanungin mo kaya siya? Sa tingin mo ba sa'kin pa rin siya sasama lalo na't may bago nanaman siyang kinakasama?"

"Nanaman?!"

Dito lang naman kami nagkakasundo. Aaminin kong pala-away ako sa mga babae ni 'My Traigan' ngunit kahit sinong kasintahan naman ay magagalit sa inaasal ng boyfriend mo sa ibang babae 'di ba? Sadyang hindi ko lang mapakawalan ito ng gano'n lang kadali dahil alam kong may sapat akong rason para ipangalandakan pa rin sa buong mundo na boyfriend ko ang isang 'yon. I even brag this every time to my 'not-so-possible-sister-in-law' kahit na wala itong kasang-a sang-ayon sa katawang lupa ko na niligawan ni My Traigan.

"Hindi na lang siya makuntento sa'yo, pero oh well. Sino nga ba ang makukuntento sa'yo kung ikaw lang ang girlfriend. Alam kong talagang maghahanp iyon ng mas lamang..."

Pilit na pang-iinis nito sa'kin nang iniwasan ko na lang siya. Hindi na lang ako magugulat kung mas magustuhan pa nito ang 'Freaky-little-girl' na iyon.

I knew that I don't really deserve her blessings for being a girlfriend of his brother, so I didn't even bother since then.

Plus, that's just a title of a crappy relationship, which I based on her line when everytime I saw Traigan screaming a particular girl's name in his heart. Kaya naman, ganito na lamang ako kumilos sa lalaking iyon. Kahit na ayaw ko, ay gusto ko pa ring patunayan na he deserves my presence more than I deserved his.

"Mas lamang lang naman ng kalidad sa pagkatao."

Sarkastiko nitong paninira sa'kin. Gusto ko man siyang sagutin pa ngunit hindi na 'ko nag-isip pa ng isasagot sa kanya. "Manang mana ka talaga sa Kuya mo."

Bulong ko patalikod sa kanya ngunit parang narinig niya ata iyon sa pag-bulong ko sa hangin. "Manang mana talaga. Maganda ang lahi namin."

Binalak ko namang sadyain siya ng pagbubulong ulit. "Tss, tsismosa. Nakiki-usyoso sa usapan namin ng hangin."

Dahil lagi ko talagang ikinakatuwa ang mga bulyaw nito sa sarili, ay hindi ko na mapigilan ang pagtatawa sa pagkatalikod ko sa kanya. Tuluyan naman itong umalis sa pagmamartsa na may halong pagdadabog.

Pilit ko namang tinatawagan si 'My Traigan' ngunit halatang ayaw akong kausapin nito. Binababaan ako. Hindi ko siya malaking kawalan! Bahala nang mabaliw ang pamilya niya kakahanap sa kanya.

Laking gulat ko naman nang pagbukas ko ng aking pinto sa sarili kong silid, ay nasa harap ng computer ko ang aking My Traigan; kasama ang nanay kong laging nagpapaturo ng pagfa-Facebook sa kanya.

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon