Chapter 8: Surely Indomitable

177 9 4
                                    

Wala namang pagbabago sa estado ng buhay namin ng aking My Traigan, magulo pa rin! Magulo sa magulo hanggang sa wala nang mas gugulo pa nang tuluyan na ngang lumipat si Freaky-little-girl sa Castrierre University.

Habang sinisilipan ko siya sa bawat hakbang nito sa quadrangle, ay sunod-sunod naman ang pagbabato ng mga kung anu-ano sa kanya. May mga confetti, pasabog na tarpaulin, at cake na malaki na talagang sumalubong sa kanya. Humihiyaw ang mga tao sa pagdating nito sa bagong paligid.

Tumalon-talon pa ito sa tuwa. Huli na ng na-realize nitong may glue pala ang confetti na ipinasabog sa kanya, dahilan para madikit iyon sa kanyang bagong uniporme. Ang tarpaulin noong Sportfest na dapat nang tinanggal noon pa ay ipinulupot sa kanya, kasabay ng pagpwersa nila ng cake sa mukha nito. Kawawang Freaky-little-girl. They have welcome you a warm blessing to be a Castrierre Student.

Masyadong mainit ang pagbati ng eskwelahan sa kanya dahil sa pagiging literal na iyon, ay pinag-initan agad siya ng ulo. Dahil sa sobrang bait nito ay sunod pa siyang nabatuhan ng burger sa mukha nitong may icing, na ikinatawa niya lang. Freakishly bubbly!

Nang nag-ring na ang school bell sa aming eskwelahan ay nilubayan na siya ng mga estudyante, habang ako ay nilapitan ko siya nang kunwaring walang awa sa kanyang natamo.

"Binalaan na kita noon, ano 'yang natamo mo ngayon? Mayaman ka kasi kaya trip ka ng mga tao rito."

"Baliktad naman. Kung sa Boys over Flower tandem e ang commoner ang inaapi. Oh well I like their welcoming entrance over me. Pinag-gastusan pa nila ako."

Pangiti-ngiti naman siya sa paligid at inayos na ang sarili. Proud na proud pa siyang ginawa sa kanya iyon!

"Are you sarcastically saying that they're pathetic to welcome you like that?"

Dahil pina-ikutan siya ng tarpaulin, ay hinatak ko na iyon ng maharas para sa pagkawala nito. "Why would I? Hindi ginagawa ng Sparluke 'to sa akin. This place seems to be special for a newbie kaya hindi imposibleng hindi ko magugustuhan dito."

Bilib naman talaga ako sa tapang n'ya! Noong nauna ako rito ay takot na takot ako ma-trapped sa pranks ng eskwelahang ito, pero siya ay talagang nilagay pa niya sa positibong paraan ang trahedyang kakatamo niya lang.

At ngayon ay late na kami, pareho, dahil nga magkaklase kami!

Umupo na ako sa tabi ng aking My Traigan sa likuran dahil do'n naman talaga ang desk ko, para lang maging magkatabi kami habang ang ibang kaklase namin ay bighaning bighani sa ayos ni Kika ngayon na kagulong-gulo ang itsura nito sa kanyang natamo kanina.

Naghilamos lamang ito ng mukha dahil sa natamo nito, ngunit hindi man lang pinagpag ang uniporme nito sa natitira pang confetti na nakadikit dito.

"Keerish Jaryio po. Konichiwa! Fan po ako ng japanese culture kaya I prefer to be called Kika Yoh as my name."

Pati ba naman dito ay may lakas siyang dalhin ang pangalan nito na kapareha sa aking My Traigan. Bigla namang nanlaki ang mga mata ko nang nagulantang ako sa kaluskos ng aming mga kaklase, maka-tingin lang sa direksyon namin ng aking My Traigan.

"How do you pronounce your surname again?"

"Yoh, like yow!"

"I mean... D-dyaryo? Kirish Dyaryo?"

Nagtawanan naman ang buong klase sa pagkakabigkas ng kanyang pangalan. Siyempre sinadya ko na akin ang piaka-malakas na halakhak.

"Har-yo, Miss. Keerish Jaryio, but It would be a pleasure if you consider Kika Yoh as my preferred name though,"

Magalang na usal nito na ikinatamlay naman ng ekspresyon sa aking mukha. Masyado siyang anghel tingnan! Nasisinagan siya ng araw sa sobrang liwanag ng pagiging optimista nito. Kaya ko ba ang maging ganito kabait?

Umupo naman siya sa vacant seat sa harap, which is laging hot seat iyon ng mga gurong pumupunta sa'min sa susunod na subjects nila. Sa unang pahaba ng upuan sa harapan ay siya lang ang nakaupo.

... At dahil nga masyado siyang mabait ay bumati agad siya ng ilang mga estudyante sa pangalawang pahabang upuan sa likuran niya at sinagot rin naman siya ng matatamis na pagbati. I can't believe it! She already dominated these idiots!

Ipinalo naman agad ng aming guro ang kanyang wooden stick sa black board dahilan para makuha niya ang atensyon naming lahat. Dahil kakatapos lang ng 1st semester exam namin noong nakaraang buwan, at magsisimula na ulit kami sa panibagong yugto sa 2nd semester, ay gusto niya kaming paringgan ulit ng bago nitong mga patakaran at palakaran sa 3rd week ng semester na ito.

Habang ang mata ng karamihan ay tutok na tutok sa mga pahayag ng guro, ako naman ay tutok na tutok ang aking titig kay Kika. Bakit ba kahit hindi niya itry na maging kasapi sa hindi naman niya mundo, ay bumabagay agad siya sa ginagalawang bagong mundo?

Ano ba talaga siya sa mundo namin ni My Traigan? Ni My Traigan, bakit sa dami-daming aagaw sa kanya sa'kin, bakit ang isang indomitable pa?

Hindi ko matanggap ang aking pagkatalo, ngunit ang tanging kaya ko na lang gawin ay ang hindi pagsuko sa pag-aalinlangan at paghihina.

Gusto ko akin lang ang aking My Traigan. Sometimes, we need to be possessive at things we yearn to own, because surely; we can definitely get it.

"Chase the things that is impossible, to make it possible."

Nasabi ko na rin 'yan sa sarili ko pero bakit posibleng maging imposible ang bagay na alam kong ipinaglalaban ko ang siyang ikakapahamak ng sarili kong damdamin? Lalo na't may kahati na ako sa bagay na nasa akin na.

With just a snap, she's getting every single thing she wants...

And even resulted to be vulnerably hurt to make her pain a worthy one.

How did she make it through here if she knew that she would just be breakable and that she will be hurt a lot. Ang pagkakaalam ko, ay matapang talaga ang loob nito para tumayo sa sariling paa, just to be with her—my man to have him on guard.

It is rare for me to study a behavior of a person, at sa Freaky-little-girl na iyon ko pa inilaan ang pag-iisip ko ng ganito! Talagang naiinis na ako sa ganitong set up namin. Nabibitter ako...

Sino bang hindi mabi-bitter sa sitwasyong ikinasakit mo, ha?

Mayro'n bang nasaksak ka na nga tapos magiging sweet ka pa? Syempre magiging bitter ka, unless kung kagaya mo si Freaky-little-girl na ikakatuwa pa niya ang pagkamatay niya. I'm just gonna congratulate you if you have, finally, a chance to join her.

Someone is really indomitable for having her accommodation's really an invulnerable one that is inevitable. Sadyang tanggap lang niya ang pambabatikos sa kanya na minsang hindi mo na rin siya mado-domina dahil sa tibay nito at pagkamanhid.

Her resistance is stable and solid; just to get something that is worth her pain.

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon