Chapter 50: La la la

56 2 1
                                    

Sinusubukan kong tawagan ang cellphone ni Rafael ngunit out of coverage ito kaya naman napagpasiyahan ko na lang munang umuwi sa bahay. Hindi man lang ako hinintay ng lalaking iyon. Kahit text man lang ay wala siyang iniwan. At hindi ko rin alam kung nananadya ba iyon o sadyang nangaasar lang.

Paguwi ko ay sumalubong sa'kin ang aso kong si My Treigan. She's always been my companion since I came here again while he left. "How are you baby girl?"

Hinawi ko ang balahibo nito ngunit medyo hindi ito kumikibo pagkabuhat ko. She's not active as the way she supposed to be. Binuhat ko ito at pumunta kay Mommy. Hindi ko na kasi siya naaasikaso since lagi akong nasa school at minsan ay sa dorm ni CG ako natutulog.

"Ma, parang may sakit 'tong si Pup. Parang ang tamlay niya."

Pagaalalang tanong ko nang kinuha niya sa'kin si My Treigan at hinawi ang balahibo nito. "Dinala ni Brick ito sa vet noong isang araw. Binisita niya ako rito at hihintayin ka sana pero nataranta ako sa panginginig ng aso kaya sa kanya ko pinaasikaso itong si My Treigan mo."

Kumunot ang mga noo ko sa ikinwento niya at hindi ko akalain na gano'n pa rin talaga si Brick. Kahit na ano'ng gawin kong pagtataboy sa kanya at sa hindi pagbigay ng importansiya sa ginagawa niya ay hindi pa rin niya tinitigil. I guess nasa nature na niya talaga ang tumulong. A natural helper.

"Huwag ka nang magalit kay Brick. Hindi mo nga naman siya kinakamusta simula nang lumipat ka na sa Sparluke na siya naman talaga ang nagasikaso." At mukhang ako na naman ang nasumbatan. Gusto ko mang magsalita pa sa negatibong natanggap ko sa kanya but I took it to the bigger picture for a realization.

Si Brick nga ang nagpuna ng presensiya ko rito sa bahay, and that's a negative attachment for me. May pagkasipsip man siya ngunit maganda ang naidudulot niya sa pamilya ko at wala naman siyang ginagawang masama kaya bakit ko nga ba pipigilan 'yon? Plus, hindi naman siya humihingi ng kapalit o wala siyang intention sa akin. Siya naman ang mismong kumikilos at hindi kailanman nakiusap ang magulang ko for something that they need; well except for me I guess.

Kung gusto ko talaga magbago ng tuluyan sa sarili ko ay hindi ko na papalagpasin ito. Kakausapin ko si Brick at lilinawin sa kanya kung bakit niya ginagawa ito at magpapasalamat na rin.

Iniwanan kong magisa si Mommy at lumabas ng bahay para pumuntang Castrierre.


Hinanap ko si Brick. Nothing but him. Hindi naaninag ng mata ko si Kika or si Traigan at hindi sila ang pakay ko ngayon. And that's a good thing dahil sign na ito para tigilan ko na sila at hindi ko na sila mapagbubuntuan ng galit ko. I assume na nagba-basketball siya kasama ang mga ka-teammates niya at nakita ko nga siyang titirahin na ang 3-point shoot sa basket.

Hindi ito na-shoot at nang nadismaya siya sa ginawa niya ay tumingin na lamang siya sa direksyon ko at nabigla siya sa presensiya ko. Lumapit ako sa kanya at gano'n din siya.

"Bethel. What are you doing here? Buti at napabisita ka." Sambit niya nang nagpupunas siya ng pawis gamit ang kanyang kamay at pinunas niya ang palad sa short. "I just want to talk to you. Nabalitaan ko kasi ikaw daw ang nagdala kay My Treigan sa vet?"

Tumango naman siya at naglakad kami papunta siguro sa gamit niya sa may bench. "Ah, ayun ba. Wala 'yon. Gusto lang kitang bisitahin no'n pero wala ka kasi. Hindi ka na kasi nagpaparamdam since nung sabi mo ay okay na ang lahat sa'tin."

Yumuko naman ako sa pagka-guilty dahil na-realized ko na naman na I am being insensitive. Hindi ako naging tapat sa salita ko at umaasa siya sa pagkakaibigan namin.

"About that, thank you. I don't want to apologized because I want to thank you instead. Thank you for understanding and thank you dahil tapat ang intention mo. Hindi ko nakita ang kabutihang binibigay mo and it's my fault."

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon