Chapter 19: Second Blooded

115 8 7
                                    

KAHARAP ko si Traig ngayon na abala sa kakalinis ng stove sa home economics room dito sa school.

"Kakainis. Kakainis. Kakainis!"

Reklamo nito nang lumapit ako sa kanya para pakalmahin siya. Tinapik ko ito sa balikat pero tinabig niya agad ito. "Please, Bethel. Huwag mo muna 'kong hahawakan."

Gusto ko mang mainis sa inaasta nito pero ginawa kong tiisin na lamang siya para wala na itong masabi. Nilambing ko pa ito para makumbinsi siyang walang sisihan sa suspension naming ito.

"Sorry na...."

Hindi ko lang masabi sa kanya ang nangyari sa'min dahil alam kong ayaw niyang ipinapaalam ang bagay na ikinababadtrip niya ngayon. Pinagpapasensiyahan ko na lamang ang inuugali niya ngayon.

"Sorry kung nadamay ka. Hindi ko naman sinasadya. Akala ko ba naman gusto mo 'kong samahan." Pagpapaawa ko sa kanya pero syempre palabas ko lang iyon para naman makonsensiya siya sa ginagawa niya sa'kin. Siya man ang kahinaan ko sa katarayan ko pero kailangan ko pa rin pumaraan sa pambabara niya sa pag-uugali ko.

"Sorry din. Ayoko lang kasing nadadamay dito, pero alangan namang iwanan kita 'di ba?"

Lumapit naman siya sa'kin at niyakap ako na halatang nasaling nga ang kanyang budhi. You go Bethel!

Sa gitna ng aming pagyakap ay bumukas ang pinto ng natanaw ko naman ang dalawang magkasamang nakakunot-noo na sa amin.

"Your sweet punishment is over, losers."

Bulalas ng kapatid nitong kayakap ko nang dali dali itong lumapit sa amin ng aking My Traigan na para bang may gagawin akong masama sa malambing kong yakap.

"Slatie ano ba? Tigilan mo na nga 'yang paghuhuramentado mo."

Pagprotesta na ng kuya nito at ako naman ay ngumiti lang ng patago sa loob ko. This is the first time My Traigan have defended me. "At saka tinutulungan niya lang ako sa detention hours ko."

Mahinhin kong sabi pero mas sinamaan pa ako ng tingin nito. "Ang sabihin mo, nagpapatulong ka. Ikaw naman talaga may kasalanan kung bakit nadamay itong kapatid ko sa kalokohan mo."

Blah blah blah. Only if she's not related to Traig, kanina ko pa siya kiniskis gamit ang hawak kong pangkiskis ng kaldero.

"Bakit pala kayo nagmamadali? Sa'n ba kayo pupunta?" Sunod ko pang mahinhin na paawa effect na tanong nang tiningnan na ako ng kasama ni Slatie na si Jurvis. Tiningnan din ako nito na may halong pailing-iling. Naninibago ata sa akin.

"Don't you dare go with us. It's a family business."

Akmang lalambingin ko pa ang babaeng kapatid ng boyfriend ko pero hindi nagpapahawak ito. "Business? I know about business. But family? I don't think you belong to that business."

Tumikhim pa ako para sa isusunod ko pang hirit. Pati ang katawan niya ay umikot na nang tuluyan para tingnan ako nito sa nanggagalaiti na nitong hitsura.

"Second blooded?" I hissed.

"I don't really think you belong. You just aim to bind to be fitted." Sunod kong sabi sa kanya nang nauna na siyang kumawala sa masamang titigan at natalo ko na naman ang rival to be sister-in-law ko. We knew that Silly is the better one than her.

Binangga naman niya ako para tuluyan nang makaalis sa paningin ko; kasabay ng paghila niya sa kuya nitong uto-uto. "Goodluck with your family business! I hope you can fit in."

Pang-aasar ko pa nang mas lalo nitong pinatunog ang suot nitong sapatos na may takong. Talagang ingay noon ang pumapalibot sa sarili niya na nagsisimbolo ng kanyang inis sa aking pambabara.

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon