Chapter 32: Body Weapon

63 5 0
                                    

"Changing myself physically, gagawin kong kutsilyo ang kamay ko. Ang paa ko magiging magnet and magnets attracts to each other right? So when the time he gets attracted to me again, his face is going to meet my feet and I will stab him right back at his backbone!"

Para bang nakarinig si CG ng action na cartoons. Tuwang tuwa siya sa pasabog ko nang sinabi ko sa kanya ang literal na body weapon. She's really eager for me to have my vengeance with my EX. Honestly I am not. Gusto ko lang patunayan sa kanya na magbabago ako in a better way without him. That's the best revenge I can offer to myself towards the grand showtime.

Hindi ko siya lalabanan. Ipapakita ko sa kanya na I am mature enough for not tolerating an argument that is not worthy to be argued; hindi kagaya ng ginagawa ng kapatid niya.

I need 1 week to accept the situation. 1 week of my passiveness I need to convince. 1 week to mend my broken heart...then I will move on for a better me.

I wish I can do that easily.

Tumabi na ako kay CG pagkatapos naming magkuwentuhan. Ayokong ipakita ang totoong nararamdaman ko sa kanya dahil kahit na kaibigan ko siya ay ayaw ko siyang madiscourage. Pakiramdaman ko kasi ay maaapektohan din siya sa sitwasyon ko kung sabihin ko na lang ang tunay na ako.


Paggising ko ay wala na sa tabi ko si CG. Hindi ko alam kung saan nanggaling 'yon. Dahil naalala ko ang sinabi niya na maagang umaalis ang mga magulang nito tuwing weekdays ay lumabas ako ng kwarto para silipin ang kapaligiran. Isang hallway na may railings ang bumungad sa'kin na may makintab na wood flooring ang taas nila. Kapeng pang 3-in-1 ang kulay nito at bumaba ako sa spiral staircase nila nang narinig ko ang boses ng kaibigan ko. Nagulantang ako dahil may kasama itong lalaki sa sofa na magkatabi pa. Wala naman itong ginagawa pero patago ko silang tinitingnan. Napangiti ako sa nakita ko.

"Si Jun Harish nakita mo?"

Narinig kong tanong ni CG at sumilip ako para makitsismis. "E si Pervist? Magkasama ba sila sa bar? May kasamang kapatid na Phyllis ang pangalan? Maputi, makapal ang kilay tapos medyo malaki ang mata na singkit?"

Napatango lang ako sa mga naririnig kong katanungan ng kaibigan ko nang inexpose ko ng konti ang katawan ko. Alam kong hindi nila ako makikita dahil nakaharap sila sa TV at ang sofang inuupuan nila ay nakatalikod sa starcase nila kung saan ako bumaba.

Hindi ko na inaalala ang pinaguusapan nila nang hinawakan ko na lang si CG sa dalawang balikat niya.

"Bethel! Nagulat ako sa'yo."

Panay ang halakhak ko dahil napansin kong napahawak siya sa hita ng katabi niyang lalaki. Tiningnan nila akong dalawa at ang lalaki ay napansin kong nakaramdam ito ng kahihiyan. ANg mukha niya ay parang nagiinit na sa ginawa ng katabi niya.

"Uuwi na muna ako. Papasok na ako kahit late. 8am pa lang naman."

Mahinahon kong sabi nang tumango lang ang kaibigan ko. Hindi ko lang mabasa ng maigi ang pagtingin niya sa aking mukha dahil sa kasama nito. To make it more awkward ay tumabi ako sa lalaki para maigitna namin siya ni CG, pero may limang inches na distansiya mula sa kanila.

"Hindi kayo papasok?"

Dahan dahan kong sabi dahil iba ang naiisip ko lalo na't dalawa lang sila dito kung hindi pa ako nagising. "Wala po kaming pasok."

Sagot ng lalaki nang inilagay ko naman ang kamao ko sa gilid ng aking ulo para tingnan siya. Mukha itong mabait. Mahinhin napansin ko 'yon dahil ang dalawang kamay nito ay nakapwesto as fist at nakapatong ito sa hita habang naglalaro ang mga ito. Idagdag mo pa ang paa nitong magkadikit sa isa't isa.

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon