Chapter 28: Quits

98 6 0
                                    

"Where have you bin? Oh...I remembered, in the trash with this garbage girl that been pushed towards to her rightful place."

Pangiinsultong salubong ni Slatie nang sabay kaming pumasok ng classroom ni Jurvis

She emphasized the word 'bin' and I can say that she's improving on her metaphorical language.

"And now you are treasuring a worthless crap? More like TRASHure. With accent of sarcasm siyempre. Bethel's language."

Pinagtanggol ako ni Jurvis sa pagharap niya sa Ex niya at pinatayo niya lang ako sa kanyang likuran na para bang siya na lang ang masaktan sa gagawin ni Slatie, huwag lang ako.

Talking about treasure, ang sarap mong ibaon sa lupa.

"Oh c'mon Jurvis, don't pretend you are into about recycling garbages now? Itinapon na nga kukunin mo pa? Kelan ka pa naging aware sa mother nature?" Dagdag nito nang hindi ko na pinatulan dahil gagawin ko ang katahimikan dahil kay Jurvis, hindi para manalo ang babaeng ito. He respected me so I will respect his girl too.

Patuloy ang panglalait sa'kin ni Slatie habang ako ay tinitingnan ko lang siya. Halata kong mariin niya akong pinagsasalitaan nang si Jurvis ay nasa tabi ko at narito siya, supporting my side. Hinawakan ko si Jurvis sa kanyang braso na para bang isa akong batang pinapagalitan at nagmumukhang kaawa-awa. Hanggang do'n lang ang kaya kong gawin para paghigantihan siya. Nothing more, nothing less.

"Slatie, you dictated our relationship to be over at wala ka na ru'n kung may kasama na ako ngayon."

Para bang ako ang nasaktan sa ipinarating ni Jurvis kay Slatie. Talaga palang masakit magsalita ang mga lalaki pagdating sa pagbitiw ng isang relasyon. Si Slatie man ang nag-anunsiyo na wala na sila ngunit siya ang nalugi dahil sa simple ngunit masakit na pagsabi ni Jurvis na wala na sila, ay malaking wala na! Wala nang pag-asang mababawi pa ni Slatie ang narinig niya mula sa kanyang Ex. What have been said is done.

"In that case, nasasaktan ako. Gusto kong iwan mo yang katabi mo ngayon..." Nabigla ako sa sinabi ni Slatie. Bandang huli ay babae pa rin pala talaga ang nagpapaka-kumbaba. Natigilan si Jurvis sa naisambit ng kanyang EX pero tanaw na tanaw ang kumpyansa ni Slatie na lalapitan siyang muli ni Jurvis at susuportahan na ang kanyang presensiya.

"Ano akala mo? Nagsisinungaling ako? Remember we have this challenge?"

Sa pagkasabi na no'n ni Slatie ay hindi ko na nakuha ang pinupunto nito. Usapan na nila ito at hindi na ako pwedeng makiusyoso pa. I mean I can but for the sake of Jurvis I will try not to meddle. Hindi niya lang alam ay sobrang pigil na pigil na ako sa sarili ko para lang huwag siyang patulan.

"Challenge nga ito pero you set this challenge by allowing me to see other girls. You were testing my loyalty and I apologize, ganito mo na lang ako bitawan kaya sa iba na ako kumakapit ng lakas dahil sa pangpapahina mo ng loob." Conyong pagkasabi nito and there, he said it! Nasa tabi niya ang ipinapahiwatig niyang kinakapitan niya ngayon at para bang obligado akong pakapitin siya sa akin dahil ako na lang ang pag-asa niyang makakapitan niya.

Napansin ko ang biglang paglambot ni Slatie. Mula sa kanyang mata na biglang pumungay—hanggang sa kanyang bibig na natigilan din dahil lang sa sinabi ni Jurvis.

"...and you and your friends manipulated boys, not just me. It's just too many to mention." Isa pang hirit ni Jurvis na talaga nama'y hindi na ito nagpaligoy-ligoy pa. Nagitla na lamang ako sa sinabi niyang iyon. Gano'n na ba ka-cheater itong si Slatie kaya ganun ganon na lang siyang mag-initiate ng break up?

"Hey have we told you it's just a challenge and I am the one who fell among the 4 of us. Ako 'tong sineryoso ka..."

"Sa pera? Gano'n ba?" And this guy is just being so honest the fact that he wants me to hear the real Slatie Yoh; the insensitive girlfriend. Maybe he's spilling these facts for me to learn how I can bring her down but I cannot just do that now. Jurvis is my aim for peace, not a war with Sluty--Slatie. I  am purposely mispronouncing her name as Slat-ti even if it is really is-late-ty pero hindi naman ako gano'n kasama kaya naman sa isip ko lamang ito binabanggit.

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon