Chapter 33: SlarroXSlatie

59 6 2
                                    

Hindi ako mapakali sa klase. Sobrang napre-occupied ang isip ko dahil sa pagbabanta ni Brick. I guess it is now or never. I'll still pick never. Bawal pang malaman nina Mommy at Daddy.

"Okay, hanggang sa makahanap na lang ako ng trabaho at sasabihin ko na sa kanila."

Bulong ko sa sarili ko nang lumabas na ako ng classroom. Uwian na at ang balak ko lang gawin ay ang umuwi. I can't believe na nagpadala lang ako sa pamba-blackmail niya sa'kin at hindi ko man lang dinepensahan ang sarili ko. Siguro ay simula na talaga 'to para magbago. Hindi lang para kay Traigan kundi sa kanya na rin.

"Let the heat be chill Bethel."

Sunod na bulong ko nang pumunta ako sa corridor. Nakita ko si Sarmie na palabas ng classroom nila kaya naman hinabol ko para kalabitin ito. Buti pa ito mas mabait pa.

"Bethel. What's up on us?"

Masiglang tanong nito nang inihinahon ko na ang sarili ko. "Nothing much. Gusto ko lang pagusapan lately ang kuya kuyahan mong si Brick."

"Oh yeah? What's up on him?" Sabi nito nang abala siya sa pagbubuhat ng mga libro niya. Nakita kong nahihirapan ito kaya kinuha ko ang kalahati ng librong nakapatong sa binubuhat niya.

"I was thinking about him lately. Bakit ang sungit no'n?"

Pagtatanong ko nang may kinakawayan pa siyang ibang kaklase na lumabas. Sayang lang ay hindi na kami magkasama sa classroom dahil nailipat ako sa ibang section.

"Si Kuya? Si Brick Danger? He seems okay. Alam mo naman 'yon kapag masungit nako nagaalala lang sa'yo 'yun."

Tumango tango ako kasabay ng pagkalito ng isip ko. "Pero iba siya ngayon Sarmie. Pumunta raw siya sa bahay kagabi tapos napansin kong sobrang effort niya sa'kin. Nanliligaw ba ang tao?"

Napatigil naman siya nang tumingin bigla sa'kin. Tiningnan ko lang siya na may tanong sa aking mga mata nang iniwasan niya rin ako. "Ayun na yung locker. Bakit tayo tumigil?"

Napagpatuloy naman ang paglalakad namin pero hindi ko pa rin siya titigilan sa mga ibubuhos kong tanong. "O baka naman may nagawa akong kasalanan kaya ganito na lang niya akong tratuhin?"

Tumigil na naman siya at tumingin sa'kin. But this time ay alam kong binibiro na niya ang ginagawa niya. Dinedma ko na lang iyon.

"Tapos binantaan pa ako kanina dahil hindi lang ako umuwi kagabi."

Ngayon ay tumigil siya at nandito na kami papasok sa locker room. Dahil sa eksaherada niyang pagtigil ay naout of balance ito at napaatras. Muntik ng malaglag ang mga librong hawak niya at mabuti na lang ay nakaalalay ako. Tumawa lang ito at hindi ko siya makasabay dahil alalang alala ako kay Brick dahil sa sinabi niya sa'kin.

"Bethel. Tinatakot ka lang nu'n. Kilala mo naman siya e. Delikado kapag 'di ka nagpasecure sa kanya. Brick Danger ka 'diba? Matibay na, mapoprotektahan ka pa sa disgrasiya."

Kinuha na niya ang librong itinulong ko sa pagbubuhat at pinasok na niya ito sa kinalalagyan nito.

"Pero siya ang magbibigay ng disgrasiya sa'kin dahil sa ginagawa niya e. I'm just a few steps away to death. Isusumbong niya ako kay Mommy at kay Daddy sa sitwasyon ko rito."

Napatigil na naman siya, pero sa pagkakataong ito ay kakalock niya lang ng locker niya at tiningnan ko lang siyang alalang alala sa sarili ko.

Tumawa ito pero hindi ko kinibo ang tawa niya. Literal na tiningnan ko lang talaga siya.

Napabuntong hininga ito at napansin niyang sobrang bothered na ako sa nangyari sa'min ng Kuya niya na pati siya ay nagaalala na rin sa'kin. I bet this Bethel Rosel, that is in front of him is turning bizarre on him.

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon