Chapter 34: Provoked

62 6 0
                                    

Napansin kong sumulyap si Jurvis sa entrance ng café dahil katapat niya lang naman ito habang si Slatie, na kaharap si Jurvis, ay likod niya naman ang kita ko. Alam ko si Slatie agad iyon dahil ang wavy na buhok nito ay nasa linya kung na'san ang underarm niya.

Itinaas ko lang ang kamay ko but I didn't wave or something that's friendly. Mamaya ay baka mapakaway pa siya at mapansin ni Slatie iyon.

Pumasok ako sa glass na pinto ng lugar na 'to at unang pagkaapak ko kaagad sa loob ay naamoy ko kaagad ang halimuyak ng kape. Hazelnut ito and it makes me want to order one.

Agad kong hinanap si Rafael sa paningin ko. Wala siya sa barista bar or sa mga lamesa kung siya man ang maglilinis dito. Or yung palakad-lakad siguro bilang manager, hindi rin siya. Kahit na hindi ko maintindihan ang ibig na gustong ipahiwatig ni CG ay sinunod ko pa rin. Gano'n ko na lang siyang pagkatiwalaan.

Dahil hindi ko siya makita ay nilibang ko na lang ang mata ko sa chalk board menu ng café

Choco Hazelnut Frappe sounds relaxing and chill. Kumuha naman ako ng pera sa bulsa at nang napansin kong walang nakapila ay pumunta na agad ako sa harap. Nakatingin pa rin ako sa chalk board menu nang nanlaki ang mga mata ko na si Rafael ang kahera. Gano'n din ang ipinakita niyang ekspresyon at napansin kong napalunok ako.

"Don't worry, this is on me. Ikaw lang talaga ang hinihintay ko dahil iniutos ka sa'kin ni Torrine."

I squinted when he said about Torrine, asking a favor with this guy. I mean I am not against it but why?

Awtomatikong napataas ang kilay ko. Akala niya ata ay kulang ang pera ko sa pambili ng kape at inaasahan ko siya na sumalo sa'kin. Pwes nagkakamali siya. Hindi naman ako pupunta sa cashier kung wala akong pambayad.

Ilang minuto rin kaming nagkatinginan lang at tumayo lang sa kinatatayuan namin nang may bigla namang kumausap sa kanya.

"Rafael, ako na diyan. Tapos na rin naman ang shift mo at sabi mo may date ka."

Napatingin naman ako sa lalaking kumausap sa kanya at binaling ko ulit ang tingin kay Rafael. Si CG pala ay sinet up ako para sa lalaking ito? How could she do this to me.

Napansin ko pa ang paniniko ni Rafael sa lalaking kumausap sa kanya kaya naman hindi na ako nagulat do'n. Talagang may plano pala talaga siyang i-date ako. Well news flash, I am so sick of blind dates. I've been there and I will never be, again.

"James, simpleng meeting lang 'to." Nagmamalinis na sagot niya nang tumingin sa akin ang dalawa. Hindi na ako nagsalita pa dahil baka may mangyari pang hindi maganda kapag hindi ako makapagpigil muli.

"Choco Hazelnut Frappe please. Can I have one of that?"

Tumango naman ang kaibigan nitong si James at umalis na sa harapan namin. Nakita kong nagsisimula na itong magpaka-barista. Habang nakita ko naman ang name tag ni Rafael, Thyme ang naka-label dito.

"Next please."

Sabi naman ni 'Thyme' nang hindi niya man lang ako tinanong sa bayad ko kaya malakas kong inilapag 'yon sa marble counter.

"Keep the change, Thyme."

Mariin kong sabi nang natapos na agad ni James ang inumin ko at dali dali ko nang kinuha ito. Bago ko pa man silang talikuran ay napansin kong nagtinginan ang dalawa. Hindi ko alam kung bakit sa dalawang lalaking ito ako nagagalit, na dapat naman talaga sa Torrine na 'yon. Sinet-up ba naman ako para sa ibang lalaki.

Pagkatalikod ko ay bumungad sa'kin ang pagtayo ni Jurvis at Slatie. Naalarma ako sa nakita ko kaya dali dali akong lumabas sa café at malakas kong itinulak ang glass door. Ayokong makita ako ng dalawa. Dahil sa inis ko ay kinagat kagat ko na rin ang straw ng iniinom ko at walang padalos-dalos kong ininom ang kapeng inorder ko. Maya't maya lamang ay bigla na lang sumakit ang utak ko dahil sa tuloy tuloy na paginom.

My Worth Dying Boyfriend: Bethel (Worth It #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon